Kakasa na ang JaDine (James Reid at Nadine Lustre) sa tambalang Kathniel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla). Magkakaro’n na rin ng isang teleseryeng romcom ang dalawa sa ABS-CBN kaya ngayon pa lamang ay nag-iingat na ang JaDine kahit ma–link man lamang sa iba dahil makakaapekto ito sa kanilang loveteam.
Kung dati ay nakikita at nababalita si James na may pinopormahang iba, at ganundin naman si Nadine, ngayon ay kailangang behaved sila kung gusto nilang magbigay ang magandang laban sa Kathniel.
Pinapangatawanan ng JaDine ang libre sila pareho ngayon, walang ibang pinopormahan at pumoporma. Kaya kahit sabihin pang friends lang sila ngayon okay na sa mga fans nila.
Friendship can lead to something deeper and beautiful. Tama ba, James, Nadine?
Pinay na sumikat sa Australia gustong magka-career sa ‘Pinas
Pinay na nasa bansa ang pinakabatang kampyon ng X Factor Australia. Dumating ito para magpakilala sa mga kababayan niya na humahanga sa kanya dahil sa pagkakapanalo niya sa bansang Australia na kung saan ay lumaki si Marlisa Punzalan kasama ang kanyang mga magulang na Pinoy.
Hindi na baguhan sa larangan ng pagkanta ang 15 taong gulang na kampyon. Tatlong taon pa lamang siya ay nalaman na niya na marunong siyang kumanta at nakasama na sa mga konsyerto ng mga Pillipino na dumayo ng kanyang bansa, tulad nina Jose Mari Chan, Aegis, Sharon Cuneta, at marami pang iba. Wish niya na makapag-perform kasama ang marami pang kababayan niya rito sa bansa. Isang bihasang piyanista si Marlisa na nakapag-perform na sa kanyang first solo piano concert nung siya ay pitong taong gulang lamang.
Bitbit ni Marlisa sa kanyang pagdating ang kanyang first eponymous album na nagtatampok ng mga awiting kinanta niya sa X Factor Australia na pinagkalooban na ng Gold Record Award.
OPM may concert din
Isang 12 oras na palabas, isang music fest, na itataguyod ng Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM) ang magaganap sa Marso 14, sa Bonifacio High Street, Taguig. Walang bayad ang palabas at ang unang 200 na darating ay mabibigyan ng upuan sa VIP section.
Pinamagatang #PalakasinAngOPM, isang paraan ito, ayon sa corporate secretary ng OPM na si Dingdong Avanzado na kasama ang kanyang ginang na si Jessa Zaragoza ay naniniwala na magiging matagumpay ang layunin ng OPM dahil maraming Pinoy sa labas ang bansa ang tumatangkilik sa musikang Pilipino. Isang magandang paraan ang #PalakasinAngOPM para bigyan ng balanse ang walang humpay na pagdating sa bansa ng mga foreign artists.
Lalahok sa musicfest ay pinaka-malalaking pangalan sa OPM.
Troy Montero nagka-career sa post production
Maituturing na ring masuwerte ni Aubrey Miles dahil ang kanyang partner sa buhay na si Troy Montero, hindi man naging matagumpay na aktor ay napapakitang gilas sa larangan ng post production. Ang kumpanya nitong We Love Post na unting-unti nang nakikilala sa larangan ng TV commercial at siyang nasa likod ng mga pelikulang ginawa ng dating gobernador na si ER Ejercito, tulad ng Boy Golden: Shoot to Kill, The Asiong Salonga Story, at El Presidente.
May natapos na isang co-production venture si Troy sa isang French movie na dito nag-shoot at binubuo ng isang kumpletong French cast.
Bagaman at si Troy ang namumuno ng We Love Post, sa kanyang balikat nakaatang ang pagbebenta ng kanyang kumpanya, mga produkto na ginagawa nito at serbisyong ibinibigay nito. Marami rin siya ideya at konsepto na pinakikinabangan ng kumpanya.
Empress confident na confident sa lampungan
Ipapaimbita ni Oliver (Dion Ignacio) si Leo (Geoff Eigenmann) kay Amanda (Max Collins) para makita raw nito ang nature ng trabaho niya. Pupunta si Leo sa party pero feeling out of place siya. Maiinis din siya dahil nakita niyang lalo kung gaanong kalapit sina Amanda at Oliver. Paraan ito ni Oliver para galitin si Leo. Ito ang mangyayari sa pagpapatuloy ng kuwento ng serye ng GMA na Kailan Tama ang Mali.
Malalasing si Leo sa party. Nang paalis na siya, iimbitahin sila ni Oliver na manatili pa. Sasabihin ni Leo na iba na lang ang imbitahin nito, yung walang buhay kung hindi ang kumpanya. Sasagutin ito ni Oliver na kung may problema si Amanda sa non-pregnancy clause, kausapin nito ang HR. Maiinsulto si Leo. Pakiramdam niya tinuring siyang bobo ni Oliver. Magkakainisan ang dalawang lalaki pero hindi papatol si Oliver.
Totoo nga bang nakaramdam si Dion ng kaba habang kinukunan ang eksena? Pero si Empress daw ay confident sa kanyang role at talagang namang maiinis sa kanya ang mga manonood?