Alma Concepcion todo emote sa ama ng kanyang anak, 7 months na raw hindi nagbibigay ng sustento

PIK: Very positive ang GMA Artist Center na tatanggapin ng publiko ang maka-K Pop na style ni Julian Trono.

Nagsimula na kasing ibenta sa iTunes ang kauna-unahang single ni Julian na Wiki Me na prinodyus ng Korean producer na JU Entertainment.

Ang isa raw sa unang bumili nito sa iTunes ay si Mark Herras na all-out ang suporta sa career ni Julian.

Hindi raw makapaniwala si Mark na si Julian ang kumakanta, kaya pinakanta pa niya ito ng live.

“Grabe ang support niya sa akin, sobrang overwhelming,” pakli ng  Kapuso cutie na si Julian Trono.

PAK: Nag-react ang isang reporter nang nabasa niya sa isang blog na binanggit nitong isang beauty queen na proud daw siya sa na-achieve ni MJ Lastimosa sa nakaraang Ms. Universe.

Parang kaplastikan naman daw itong sinabi ni beauty queen. Ang dami raw kasing mga Pinoy doon sa Amerika na nagkuwento kay reporter na isa raw ito sa tawa nang tawa nang hindi nakapasok sa top 10 si MJ. Tapos ngayon ay sinasabi niyang proud na ito sa kapwa beauty queen.

Baka raw na-misinterpret lang ang ginawang iyun ng beauty queen, pero na-off daw ang karamihang mga Pinoy na nakakita sa kanya.

BOOM: Inilabas na ni Alma Concepcion sa kanyang social media account ang hinaing niya sa ama ng kanyang anak na si Mr. Dody Puno na pitong buwan na palang hindi nagbibigay ng sustento sa kanilang anak.

Kaya doon ay dineklara na niya sa kanyang mensahe sa kanyang Facebook account na hindi na rin daw niya puwedeng makita ang kanilang anak.

Sa pagkakaalala namin, 14 years old na ang anak ni Alma at nag-aaral ito sa Ateneo de Manila.

Solong si Alma na raw ang gumagastos at mabuti na lang, kumita naman daw siya sa pag-aartista at sa isa pa niyang career bilang interior designer. Kaya naitatawid niya ang pantustos sa kanyang anak.

Bahagi pa ng mensahe niya para kay Mr. Dody Puno: “Now it’s your turn to be ignored. Buti ka pa, you can resign being a father.”

Show comments