Aktres dusa talaga ang inabot, aktor dinaan sa pagre-rape ang paggalaw sa asawa!

May kuwento ang isang source namin na hindi na­nununog at nangunguryente sa kanyang mga impormasyon. Tungkol ‘yun sa isang mag-asawang artista na kung magbibilangan ng mga araw ng kaligayahan at kalungkutan sa kabuuan ng kanilang pagsasama ay mas nakalalamang ang kalungkutan.

Pero siguradong magtatanong ang marami. Bakit nagkaroon sila ng mga anak kung hindi naman pala ma­ligaya ang kanilang pagsasama?

Kuwento ng aming impormante ay nakakalungkot ang naging kapalaran ng aktres sa poder ng kanyang mister na aktor. Konting bagay lang ay pinag-aargumentuhan na nila, ayaw nilang magpatalo sa isa’t isa, pero kapag may isang bagay nang inihirit ang aktor sa kanyang misis ay tumutupi na ang babae.

Kuwento ng source, “’Yun ang madalas nilang pag-awayan. Di ba, kapag tinanggap n’yo na ang bawat isa, dapat, kinakalimutan n’yo na rin ang nakaraan? Pati ang mga pagkakamali n’yo in the past, ‘di ba, itatapon nang lahat ‘yun?

“Pero iba ang takbo ng utak nu’ng lalaki, tuwing nagkakaroon sila ng argument, ipinagduduldulan niya ‘yun sa wife niya. Nakaraan na ‘yun, ni hindi pa nga sila magkakilala nu’ng gawin ‘yun ng girl, pero kapag naiisip ‘yun ng husband niya, matinding away na agad ang kasunod nu’n!

“Saan mauuwi ang argumento, ‘di sa matinding pagpapalitan ng mga salitang hindi matatanggap kahit ng gutom na aso? Napakasakit pa namang magsalita ng lalaki, sobrang diin, kaya puro iyak na lang ang ginagawa ng babae,” malalim ang kuwentong tinutumbok ng aming impormante.

Mas nakawiwindang ang mga kuwento tungkol sa kanilang pagtatalik, palaging puwersahan ang nangyayari dahil ayaw nang pumayag ng babae na magpagalaw pa sa aktor, pero ano nga ba ang magagawa ng isang babae lang kapag nagpalutang na ng lakas ang isang lalaki?

“’Yun ang reason kung bakit dumami ang anak nila. Parang nire-rape ang girl, kontra sa kalooban niya ang mga ginagawa ng husband niya,” dagdag na kuwento pa ng aming source.

Ubos!

Kapatid ni Richard Merk na nakakulong anim na beses nang na-rehab

Emosyonal  ang magaling na jazz singer na si Richard Merk nang makakuwentuhan namin tungkol sa dalawang taon nang nakakulong niyang kapatid na si Ronnel Wolfe.

Ayon sa dating miyembro ng That’s Entertainment na si Ronnel ay hindi raw ito dinadalaw ng kanyang pamilya sa kulungan dahil ang iniisip daw ng kanyang ina at mga kapatid ay isa itong failure.

Napapailing si Richard, ramdam na ramdam ang pagmamahal niya kay Ronnel, pero tama ang kanyang sinabi na ang pasensiya ay may hangganan din kapag paulit-ulit na lang na nasisira ang pangako.

Anim na beses na pala nilang ipinare-rehab ng kanyang kapatid na si Rachel (sa New Jersey na naninirahan si Rachel, maganda ang buhay nito sa Amerika) si Ronnel, pero pagkatapos ng gamutan ay magdodroga pa rin, hanggang sa mana­wa na sila sa pagtulong sa actor-singer.

“Matanda na si mommy, eighty one years old na, ito ang time na hanggang maaari, puro kali­gayahan na lang ang dapat na­ming ibigay at ipatikim sa kanya. Pero hindi. Puro bisyo pa rin ang pinagkakaabalahan ni Ronnel,” emosyonal na pahayag ni Richard Merk.

Napanood namin si Ms. Annie Brazil sa kanyang special show, tama at karapat-dapat lang ang titulong ipinutong sa kanyang ulo sa mundo ng musika bilang Philippine Queen Of Jazz, sa kanyang edad na otsenta’y uno ay napakaganda pa rin nitong humagod at gumalaw habang kumakanta.

Totoong-totoo na ang singer ay nagkakaedad pero ang boses ay walang ipinagbabago. Reynang-reyna pa rin ng jazz si Ms. Annie Brazil.

Show comments