^

PSN Showbiz

8 months lang, kapatid ni Ryzza Mae Dizon kulang sa buwan ang ipinanganak!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkita kami ni Mama Malou Fagar sa birthday lunch para kay Congresswoman Gina De Venecia sa Sampaguita Events Place noong Lunes at ang Christmas gift na matagal nang pangako sa akin ng mag-inang Rizza at Ryzza Mae Dizon ang unang inusisa ko sa kanya.

Nangako sa akin ang mag-ina na bibigyan nila ako ng belated Christmas gift bilang pasasalamat dahil pinatira ko sila nang matagal at libre sa condominium unit ko.

Nagbitaw sila ng pangako nang magkita-kita kami sa binyag ng beloved apo ni Dolor Guevara noong January 31.

Hanggang ngayon, hindi ko pa natatanggap ang OPM ng mag-ina.

Ang sabi ni Mama Malou, dadalhin daw dapat sa studio ng Startalk noong Sabado ang regalo sa akin pero hindi natuloy dahil biglang nanganak ang madir ni Ryzza Mae.

Hindi ko alam kung girl o boy ang isinilang ni Rizza. Basta ang si­gurado, bata ang sanggol na iniluwal niya.

Medyo worried ang pamilya ni Rizza dahil premature ang baby. Kung seven months lang ang baby girl na isinilang ni Cristine Reyes, eight months naman ang sanggol na iniluwal ng madir ni Ryzza Mae.

Pacman pinagkaguluhan sa party ni manay gina

Parang hindi na yata nakakain si Congressman Manny Pacquiao sa birthday party ni Manay Gina De Venecia dahil sa pagdumog sa kanya ng  mga bisita na nag-unahan sa pagpapakuha ng litrato na kasama siya.

Hindi naging maramot si Papa Manny dahil pinagbigyan niya ang lahat ng photo op request. Sa rami ng mga nagpakuha ng litrato, may suspetsa ako na hindi na siya nakakain ng tanghalian.

Benjie tinamaan din ng dengue

Kahapon ang birthday ni Senator Jinggoy Estrada na ipinagdiwang niya sa PNP Custodial Center, Camp Crame.

Bago ako dumalaw kay Papa Jinggoy, binisita ko muna si Benjie Paras sa isang ospital sa Pasig City dahil dito siya naka-confine.

Tinamaan ng dengue si Benjie kaya mananatili siya sa ospital hangga’t hindi nagiging normal ang bilang ng kanyang blood platelets.

Walang edad na pinipili ang dengue, bata man o matanda. Actually, usung-uso ngayon ang mga sakit dahil sa unpredictable weather.

Julian Trono hindi makalimutan ang ginawa sa Korea

Hindi makalimutan ni Julian Trono ang recent trip niya sa South Korea dahil marami siyang natutunan na malaki ang maitutulong sa kanyang dancing, singing at acting career.

Napagkakamalan na Korean si Julian dahil sa kanyang itsura pero alam ng mga Koreano na Pilipino siya.

Umapir si Julian sa isang top ra­ting television show sa South Korea dahil nag-promote siya ng kanyang bagong single, ang Wiki Mi.

Isang magaling na Korean composer ang sumulat ng English song na maikukumpara sa mga kanta ni Justin Bieber noong kasing-edad ito ni Julian.

Hindi nag-iisa si Julian nang humarap siya sa entertainment press noong Lunes.

Kasama niya ang mga Korean na nagdala sa kanya sa South Korea at  naniniwala na may tsansa na maging international singer ang bagets na contract star ng GMA Artist Center.

Ipinapanood ng mga Korean sa entertainment press ang music video ng Wiki Me na kinunan sa isang university sa South Korea.

Mga Korean student ang back up dancers ni Julian na ganadung-ganado sa pagkanta at pagsayaw sa music video ng Wiki Me.

Nagpapasalamat si Julian sa GMA Artist Center at sa GMA 7 dahil sa malaking oportunidad na ipinagkatiwala sa kanya.

Confident naman ang mga Korean na kasama ni Julian na malayo ang mararating nito at malaki ang pag-asa na maging hit song ang Wiki Me.

ARTIST CENTER

DAHIL

JULIAN

JULIAN TRONO

RIZZA

RYZZA MAE

SOUTH KOREA

WIKI ME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with