Dating sexy actress na si Anjanette Abayari babalikan ang showbiz, willing uling magladlad

MANILA, Philippines – After 15 years, balik-Pilipinas ang sexy actress na si Anjanette Abayari. Ang original plan ay isang buwan lang siya sa bansa. Pero kung may magandang offer ay willing siyang mag-stay ng mas matagal. “I’m definitely open,” sabi niya the other day.

Last Monday afternoon ay pinasyalan niya si Mr. Vic del Rosario ng Viva of Group of Companies kaya sandali namin siya nakatsika.

Kasama niyang dumating ng bansa ang dalawa niyang anak na 5 and 3 years old at isang producer na ayon sa dating sexy actress ay magiging producer ng international movie na gagawin nila sa bansa at ipalalabas sa Amerika.

Willing din siyang mag-cover for men’s magazine.

May anak na dalawa si Anjanette pero wala raw siyang asawa. Kaibigan niya ang ama ng dalawang bata na kasalukuyang nasa hometown ng kanyang mommy, Iloilo.

Noong nasa Amerika siya, nag-work si Anja­nette sa gym as personal trainer at nagho-host siya sa Film-Am events. Pero mas matagal daw ‘yung panahon na nag-concentrate siya sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak bago siya naging active sa activities ng Fil-Am in LA.

May nakaplano siyang talk show sa LA na pawang Fil-Am artists lang ang magi-guest at isa pang movie na siya ang magbibida.

Well, sexy pa rin si Anjanette hindi katulad ng ibang mga naka­sabayan niya na naglakihan na ang katawan though alam mong nadagdagan na ang edad niya.

Hot na hot noon si Anjanette dahil sa kanyang kaseksihan. Siya pa nga ang nagpaalala na naging regular din siya sa ASAP. Naging leading lady rin siya noon ni Fernando Poe Jr., Phillip Salvador at marami-rami siyang pelikulang nagawa.

Pero umalis siya nang bansa nung kainitan ng isyu sa kanila ng karelasyon niyang athlete na si David Bunevacz.

Anne 30 na!

Thirty years old na si Anne Curtis kahapon. At this year, wala siyang sinabi na may malaki siyang birthday party. Mas pinili niyang makasama ang mga bata base sa kanyang Instagram post na libro ng mga bata.

May inilagay ‘din siyang baby photo niya na may caption na :  “On this day, 30 years ago, Little ME was born. It’s been a wonderful, crazy, humbling, sometimes hurtful, challenging but beautiful journey till now and I’m so excited to see and experience what life, the universe and our Heavenly Creator has yet to reveal to me! Thank you for all the sweet birthday greetings! Sending light, love and a million kisses to all of you!!!” sabi sa post ni Anne.

Tiba-tiba tadhana mahigit P100 milyon na ang kita

Umabot na pala sa P100 milyon ang kita ng Cinema One Originals 2014 film na That Thing Called Tadhana, na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman mula nang ipalabas sa mga sinehan nationwide noong Pebrero 4. Maliit lang puhunan sa pelikulang ito kaya tiba-tiba sila.

Inulan ng mga papuri ang tinaguriang  Ultimate Hugot Film of the year dahil sa simple ngunit maganda nitong kwento na siksik sa hugot lines. Ang Cinema One Originals romantic-comedy hit ni Antoinette Jadaone ang nanalo ng Audience Choice Award at Best Actress Award para kay Angelica sa Cinema One Originals film festival noong Nobyembre.

Graded A  rin ng Cinema Evalua­tion Board (CEB) ang pelikula.

Simula 2011, unti-unti nang nakilala si Jadaone sa industriya dahil sa kanyang Cinema One Originals entry na Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay na nanalo ng anim na awards sa festival. Noong 2014, ang tinaguriang dream film ni Jadaone na That Thing Called Tadhana ang naging entry niya. Sa katunayan, bago pa nai­sapelikula, ang screenplay nito ay nagwagi na ng third place sa prestihiyosong 2014 Don Carlos Memorial Palanca Awards for Literature.

Makalipas ang tatlong buwan, naging pre-Valentine’s offering ang pelikula ni Jadaone ng Star Cinema, ang film outfit ng ABS-CBN.

Umiikot ang kwento ng That Thing Called Tadhana kina Mace (Angelica Panganiban) at Anthony ( JM de Guzman), dalawang Pilipino na sawi sa pag-ibig na nagkita sa Rome at nagdesisyon na pumunta sa Baguio at Sagada para hanapin ang sagot sa tanong na “where do broken hearts go?”

Dalawa lang silang bida sa pelikula pero na-keri nila at kinakiligan ang tambalan nila kahit walang kahit katiting na love angle sa kanila.

Show comments