Sandara kay John Lloyd: E 'di wow!

Bukas si Sandara Park na gumawa ng pelikula kasama si John Lloyd Cruz. Philstar.com/AJ Bolando

MANILA, Philippines - Nasa bansa muli ang Korean pop star na si Sandara Park o Dara ng female group na 2NE1 para i-promote ang turismo ng Korea.

Masaya si Sandara na makabalik sa Pinas lalo na't mainit pa rin ang pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy fans.

Sinabi niya na nais niyang gumawa ng pelikula dito matapos bumalik ng Korea noong 2007.

“I would love to do it,” sabi ni Sandara na nagsimula ang career sa Pilipinas noong 2004.

“Lagi ko namang sinasabi na gusto ko magka-movie sa Philippines ulit.”

Pinag-usapan din ang kanyang posibleng pakikipagtambalan kay John Lloyd Cruz na ikina-excite din niya.

“E di wow. Papa John Lloyd!” sagot ng K-pop superstar.

"Gustong gusto ko yan kasi talagang I really love his movies and his acting. Nakaka-in love yung mata niya kapag umaarte kaya sobrang excited ako pag mangyari.”

Inaalala lang niya ay ang klase ng pelikula na kanilang gagawin.

“Kaya lang, nagwo-worry ako kasi di ba mature na yung mga movies n’ya, yung mga series? Pero ako, feeling ko bata pa ako. Ano kaya ang magandang story?”

“Star Cinema, hintayin ko 'yun."
 

Show comments