Karen, Atty. Castro, at K, tatalakayin ang pinakamaiinit na isyu

MANILA, Philippines – Tatlong personalidad. Tatlong perspektibo. Iba’t ibang opin­yon. Iyan ang hatid ng inyong Kapamilyang mamamahayag na sina Karen Davila, at Atty. Claire Castro ng Usapang De Cam­pa­nilla ng DZMM, at singer-come­dienne na si K Brosas sa kanilang live na live na kwentuhan tuwing hapon sa 3-in-1, na bahagi ng bagong current affairs block ng ABS-CBN.
La­yunin ng programa na mabig­yan ng boses ang mga ordi­nar­­yong manonood sa mga sari-saring maiinit na balita at paksang naaapektuhan ang bawat Pilipino. Para na­man mas malalim pang diskusyon, minsa’y mag-iim­bita sina Ka­ren, Atty. Claire, at K ng isang “Plus 1” o guest na sasalang sa hot seat. Hinihimok din ang mga manonood na sumali sa usa­pan sa pamamagitan ng phone-in at posts sa Twitter at Facebook.

Samahan ang trio sa pagtalakay sa maiinit na isyu gaya ng pagtaas ng presyo ng ga­soline, kur­yen­te, at iba pang pa­ngunahing bilihin, ang sitwasyon ng  MERS-CoV sa bansa, ang islang Balesin kung sa­an ikinasal sina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, pati na ang pagwawagi ni PO2 Neil Perez bilang Mr. International 2014.

Bukod pa riyan, sasalubungin din nina Karen, Atty. Claire, at K ang Chinese New Year sa kanilang live na pag-uusap ukol sa Year of the Wooden Sheep at ang magiging epekto nito sa pulitika, mga ne­gos­yo, at kabuhayan ng bansa. At ano nga ba ang hula ni K sa kanyang “Dear Te­hhh” segment?

Kasama rin sa mas pinalakas na current affairs block ng ABS-CBN si Julius Babao sa Mission Possible (Lunes), Atom Araullo sa RealiTV (Miyerkules), Dyan Castillejo sa Sports U (Huwebes), at Anthony Taberna sa Tapatan ni Tunying (Biyernes).

Tutukan ang 3-in-1 ngayon (Feb. 17) sa ABS-CBN, 4:30 p.m.

Show comments