MANILA, Philippines - Niyakap ko si Lani Misalucha after ng first night ng Ultimate concert.
Nagpasalamat ako kay Lani dahil sa pagiging cooperative sa promotions ng concert nila nina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, at Gary Valenciano.
Alam ko kasing may sakit si Lani at madalas na umaatake ang acid reflux niya, pero tiniis niya ang karamdaman para makapag-promote ng nasabing concert.
Pare-pareho nga sina Martin, Regine, Gary, at Lani na naging masipag sa promotions ng two-night Valentine concert nila na hindi lang publicity ang hinawakan ko kundi pati ang TV promo.
Nang makausap ko si Noli Misalucha na mister ni Lani at tumatayong manager niya, inamin niyang ang bilin ng doktor ng misis ay ang magpahinga ang tinaguriang Asia’s Nightingale ng three months pagkatapos ng concert nito sa Smart Araneta Coliseum. Pero less than three months nga ay sumalang na uli si Lani sa Ultimate at nang bumalik siya sa bansa noong February 1 ay kaliwa’t kanan na ang promo niya kung saan ay kinailangan niyang kumanta.
Sa promo guesting nga niya sa KrisTV, kahit nagpasabi na si Lani na isang kanta lang muna siya dahil may jet lag pa ito, pinagbigyan pa rin niya ang request ng staff ni Kris Aquino na kumanta ng isa pa, puwera pa ang ilang samples na ginawa niya during the interview.
Repeat ng Ultimate concert nina Martin, Lani, Regine at Gary V. hindi pa sigurado sa Marso
Pareho kong nakausap kahapon ang producers ng Ultimate na sina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra.
Akala ko ay may good news na tungkol sa repeat ng kanilang very successful two-night Valentine concert, pero wala pa raw.
Pro¡blema sa schedule ang sinabi nila sa aking dahilan kung bakit imposibleng matuloy ang plano nilang mag-repeat sa March 14.
Available man ang MOA Arena, hindi naman magtugma-tugma ang schedules nina Martin, Regine, Gary, at Lani.
Ang alam ko, aalis ng March 12 pabalik ng Amerika si Lani at ‘yung araw rin na ‘yon ang balik ni Gary mula sa Amerika.
Basta ang pangako nina Anna at Cacai, aayusin nila ang lahat para magkaroon ng repeat ang Ultimate at ‘yon din naman ang gusto ng apat na singers.
ASAP anniversary sa Linggo nagkakandaubusan na ng ticket
Sobra na ang paghahanda para sa ASAP anniversary sa Sunday na gaganapin sa MOA Arena.
Twenty years na ang nangungunang weekly musical variety show.
Hindi lang ang ASAP regulars ang mapapanood sa Sunday, inimbitahan din nila ang ibang mga artista’t singers na naging parte ng kanilang show sa loob ng 20 years.
Ngayon pa lang, wala nang makuhang tickets para sa ASAP anniversary.
Lahat ay nanghihingi dahil isang spectacular show ang mapapanood ng lahat sa Sunday.