Sina Mel Tiangco, Jackie Lou Blanco, at Bibeth Orteza ang mga kilalang personalidad na ninang nina Heart Evangelista at Sen. Chiz Escudero.
Nagkita-kita ang mga business tycoon na sina Fernando Zobel, Hans Sy, Ramon Ang, Andrew Tan, Lance Gokongwei, at Roberto Ongpin na may-ari ng Balesin dahil sila ang mga ninong sa kasal.
Ang kambal na anak ni Papa Chiz ang naghatid sa kanya sa altar at solo na nagmartsa si Heart.
Bakas sa mukha ni Heart ang kaligayahan kahit wala ang kanyang mga magulang pero hindi nawawala ang hope ng fans na biglang lilitaw sa wedding reception ang ama at ina ng aktres.
Mabilis na kumalat ang wedding photos nina Heart at Papa Chiz.
Nagpunta sa Balesin si Jiggy Manicad ng GMA News at kasama siya sa mga unang naglabas ng wedding pictures ni Heart na suot ang wedding gown na pamilyar sa mga senior citizen dahil inspired ‘yon ng wedding gown ni Princess Grace nang ikasal ito noon kay Prince Rainier ng Monaco.
Nagsagutan na naman ang fans nina Heart at Marian Rivera dahil pinagkumpara ang kanilang mga wedding gown.
Ang fans talaga, hindi na lang maging masaya para sa mga idol nila. Sila ang nagbibigay ng mga problema sa sarili dahil walang dahilan para i-compare ang mga wedding gown nina Marian at Heart. Magkaibang-magkaiba ang kanilang mga personalidad ‘no!
Mapapanood sa Kapuso Network sa susunod na buwan ang two-part special ng pag-iisang dibdib nina Papa Chiz at Heart.
Mark feeling groom sa kaba sa kasal nina Heart at Sen. Chiz
Umulan sa Balesin resort noong Sabado pero naging maaliwalas kahapon ang panahon na nakiayon sa araw ng kasal nina Heart at Papa Chiz.
Alas tres y medya ng hapon ang imbitasyon sa kasal pero past 4 p.m. na nang magsimula ang seremonyas na dinaluhan ng mga kilalang personalidad.
Dumating si Senator Grace Poe na close friend ni Papa Chiz, mga businessman, ang mga executive ng GMA-7 at ang mga kaibigan ng mga ikakasal mula sa Kapamilya Network. Si Mama Grace ang veil sponsor.
Naroroon din sina Mark Bautista, Jaya, at Kyla. Si Mark ang kumanta habang nagmamartsa si Heart patungo sa altar. Feeling groom din si Mark na kabado dahil kumbaga sa isang show, siya ang front act.
Ninang ni Yeng sa kasal na si Pinky nakahabol sa seremonyas
Nakaabot sa kasal ni Yeng Constantino sa Cavite noong Sabado ang aking best friend na si Pinky Tobiano na nanggaling pa mula sa Balesin resort.
Isa si Mama Pinky sa mga ninang at nagpunta siya sa Balesin bago mag-Valentine’s Day kaya may mga nag-akala na hindi siya makararating sa kasal ni Yeng.
Wala pang thirty minutes ang plane ride mula sa Balesin hanggang sa Pasay City.
Hindi na nagpunta si Mama Pinky sa parlor ni Bambbi Fuentes para magpa-make-up. Nagkita na lang sila ni Bambbi somewhere para maayusan siya.