Naalala namin ang kuwento ni Ogie Alcasid sa presscon ng MuSIKATin nang makita ang pinost niya sa Instagram (IG) na may sakit si Nate noong February 13. Kuwento ni Ogie, minsan may reunion sa La Salle, pero hindi siya pumunta dahil may sakit that time ang anak nila ni Regine Velasquez.
Nataong first night ng Ultimate concert nina Regine, kaya si Ogie at ang mom-in-law niya ang nag-alaga kay Nate. Kagabi naman, parehong may concert sina Regine at Ogie, pero mabuti na lang at okay na ang bagets, kailangan lang ma-admit sa hospital.
Nakakatuwa dahil hindi nauubusan ng kuwento si Ogie kay Nate. Paggising daw nito hanggang bago matulog, ang collection nito ng eroplano ang tinitingnan. Kaya feeling nito, kundi piloto ay mechanical engineering ang kukuning kurso. Puwede ring chef dahil naglalaro rin ng lutu-lutuan.
Very proud din si Ogie sa mga anak na sina Leila at Sarah, si Leila nga raw gustong maging lawyer. Ang ikinatutuwa pa nito, mahal ng dalawa si Nate.
Samantala, nag-occular inspection si Ogie sa Philippine Arena, venue ng MuSIKATin concert sa February 20 at nakita kung gaano ito kalaki at ka-high tech. Magiging proud daw ang mga Pinoy sa dome at sa gagawin nilang concert na pure OPM music ang mapapakinggan.
Isa pa sa nagpapa-excite kay Ogie ay ang first celebration ng Linggo ng Musikang Pilipino sa last week ng July. Dahil dito, pinag-uusapan na nina Ogie at mga taga-OPM na magkaroon ng sariling music award gaya ng Grammy Awards. Kundi this year, baka next year nila ito simulan at tatawagin nilang Filipino Music Award o OMP Music Award.
Joey ayaw panoorin si Winwyn sa coronation night ng Binibini
Kahapon ginanap ang talent portion sa Binibining Pilipinas sa Farmer’s Plaza at sabi ni Winwyn Marquez na nakausap namin sa birthday party/music video launch ng Bigkas nina Lovi Poe at Brian Sombero, singing and dancing ang ipakikita niyang talent. Sa grand coronation ng Binibining Pilipinas sa March 14, malalaman kung nanalo siya sa talent portion na pinaghandaan niya nang husto.
Kuwento ni Winwyn, manonood sa Smart Araneta Coliseum para suportahan siya ang kanyang buong pamilya kabilang ang ina na si Alma Moreno at pati yata ang tita niyang si Melanie Marquez. Ang ama na si Joey Marquez lang ang hindi manonood sa Big Dome dahil ayaw nitong mamatay sa nerbyos sa paghihintay sa magiging resulta.