7 months lang nang iluwal anak ni Cristine Reyes hindi pa nailalabas ng hospital, kritikal pa!

Ipinakilala na ni Cristine Reyes ang anak nila ng boyfriend niyang si Ali Khatibi sa social media kahapon. Nanganak ang actress last Sunday at hindi niya agad ipinaalam sa lahat. Pitong buwan lang ang sanggol nang iluwal niya at pinangalanang Amarah. Base sa post ni Cristine, nanatiling nasa hospital ang baby at nangangailangan ng ‘critical care and assistance.’

Sinabi rin ni Cristine na nasasaktan siya sa mga sinasabi ng tao na ang ginawa niyang paggi-gym ang rason kaya nanganak siya nang wala sa oras.

Heto ang buong mensahe ni Cristine sa kanyang Instagram account : Meet Amarah!

February 8th, Sunday our Amarah finally came to see it.

She really was such a wonderful blessing. I Fought for 2 weeks to hold her in. I’ve been put on total bed rest and wasn’t able to sit, move and stand. Was on Heavy medication on my birthday and spent the day knocked out.
I was Monitored every two hours for awhile.

I was In and out of the delivery room.

But then, time has come that Amarah wanted to see the world, in which, none can control.

That feeling of love was instantaneously. However, she came a little too early than expected and now in need of critical care and assistance. It’s hard to see her handled by different people in the NICU.

I just hope and pray that she’s well taken cared for. I realized that no one can’t beat the loving and tender care of a mother.

Just got a little apprehensive when I learned that there was a one person visitor policy. It breaks my heart at the time when Ali and I have to leave the hospital without her in our arms. It’s sad but we have to be strong.

We’ve been fighting for our little angel and now she has to fight this alone. If it were in my hands, I’d love for my daughter to reach full term.

I did everything to make sure that she was healthy. I read books, seek advice from my in-laws, family, friends and professionals to make sure all was well.

I just don’t think it’s fair when people judge me and saying that it was my fault.

I plan to disregard NEGATI­VITY in my life.

My only priority right now is our little fighter.

I actually don’t really need to explain myself.  Our baby is getting stronger everyday and we will be with her throughout the fight.

She’s our wonderful blessing. She will win this battle like a champ just like her father. My family and friends will be praying for our Amarah  Her Dad and I loves her so much! #Family #Ali #Ariane #Amarah #Blessed @alijoshua

May plan B na Sen. Chiz natataranta sa masamang panahon sa Balesin

Maulan pala sa Balesin Island, ang islang pagkakasalan nina Sen. Chiz Escudero at Heart ­Evangelista bukas, February 15.

Eh ang original plan daw, sa open area na malapit sa spa area ang set up kung saan ginawang parang altar ang lugar na pinalilibutan ng maga­gandang kulay puting bulaklak.

Naghahanda na raw ang grupo nina Sen. Chiz ng plan B in case na hindi bu­muti ang panahon. “Naghahanap ng matinong weather report si Sen. Chiz,” sabi ng isang nasa Balesin na kasama ng grupo ni Sen. Chiz. Sa May garden area raw ang target nilang plan B para kung umulan man at hindi pumwede sa may lugar ng Spa, ililipat ang seremonya.

Catholic wedding ang magaganap. Si Bishop Arturo M. Bastes raw ng Sorsogon ang mag-o-officiate ng wedding.

Ang grupo pa lang daw ng ikakasal ang nasa Balesin ngayon. Ang mga ­ninong at ninang ay nga­yong araw pa lang daw darating at ‘yung iba ay mismong sa araw na ng kasal bukas, 3:00 p.m.

Si Sen. Chiz daw ngayon ang natataranta sa masamang lagay ng panahon.

Dingdong excited maging pari

Kakaiba at challenging ang magiging role ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang pinakabagong programa sa GMA Network.

Sa ginanap na story conference kahapon Biyernes (Pebrero 13) ng upcoming primetime series na Pari ‘Koy, inihayag ng aktor ang kanyang excitement sa pagsisimula ng programa, “I’m very excited and very energized to go back to work. Ito ay isang istorya na magbibigay inspirasyon sa mga manonood.”  

Dagdag excitement din para sa Kapuso actor ang first time niyang pagganap bilang isang pari, si Father Kokoy. Ayon kay Dingdong, “Si Kokoy ay lumaki sa isang magandang pamilya na pinili ang landas ng pagsisilbi sa simbahan. Na-assign siya sa isang community kung saan masusubukan ang kanyang kakayahan dahil sa mga taong nakapaligid sa kanya. Bilang mga Pilipino, we have our ways of practicing our faith kaya naman malapit talaga sa puso ko ang role ko rito.”

Ang Pari ‘Koy ay sa ilalim ng direksiyon ng award-winning director na si Maryo J. Delos Reyes. Una nang nagkatrabaho sina Direk Maryo at Dingdong sa  primetime series na Pahiram ng Sandali.

Ilan pa sa mga makakasama sa serye ay sina Gabby Eigenmann, Sunshine Dizon, Chanda Romero, Jeric Gonzales, Carlo Gonzales, JC Tiuseco, Rap Fernandez, Luz Valdez, Dexter Doria, Hiro Peralta, Jojit Lorenzo, Lindt Johnston, Jhiz Deocareza, at Jillian Ward.

Mapapanood na ang Pari ‘Koy ngayong Marso sa GMA Telebabad.

Show comments