^

PSN Showbiz

RWM namigay ng fortune cookie na may lamang P1-M!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kamakailan ay nag-launch ng special promo ang nangungunang lifestyle hub ng bansa, Resorts World Manila, sa pamamagitan ng ‘real’ fortune cookie. Ang mga miyembrong nag-crack ng cookies ay walang alam na naglalaman ito ng literal na ‘fortune’ kung saan isa rito ay may papremyong P1-M, tax-paid.

Ang mga naimbitahang miyembro ng RWM sa food tasting event sa RWM’s Cantonese fine dining restaurant na Passion ay nag-expect lang ng masarap na kainan. Pagkatapos ihain ang masasarap na pagkain, biglang lumabas ang emcee at mga staff na may dala-dalang fortune cookies. Ipinamigay ito sa mga miyembro at isa nga sa kanila ang masuwerteng nanalo ng isang milyon. Nag-hysterical ang nagwaging babae dahil sa hindi makapaniwalang papremyo.

“RWM is committed to spreading good luck and fortune this Year of the Wood Goat,” ayon kay Martin Paz, Chief Integrated Marketing Officer ng Resorts World Manila. “We are opening our doors for guests to experience a whole new “World of Luck” wherein good fortune awaits them at every turn inside our property.”

Mag-ipon lang ng sapat na puntos at magkakaroon na kayo ng chance para makapag-uwi ng papremyo at surprises sa scratch cards na nasa loob ng ‘real’ fortune cookies. Ang bawat card ay may katumbas na minor prizes at grand prizes na aabot sa P5-M. Magkakaroon din ng chance sa fortune cookies na naglalaman ng instant cash prizes ang mga kakain at mag-i-enjoy ng authentic Cantonese cuisine sa Passion ng RWM. Ilan lang ito sa maraming paraan para ma-enjoy at ma-experience literally ang fortune sa World of Luck: Fortune Cookie ng mga miyembro at bisita ng resort sa Imperial Festival 2015 ng RWM na magaganap sa buong buwan ng Pebrero.

Para mapanood ang kabuuan ng video ng Resorts World Manila’s P1-M Fortune Cookie, bisitahin lang ang YouTube at i-search ang Woman Goes Hysterical After Opening Fortune Cookie released noong January 29.

Bisitahin lang ang RWM Facebook page at www.rwmanila.com o tumawag sa Tourist/Visitor Hotline (02) 908-8833 para ma-discover pa ang “A World of Luck” ng Resorts World Manila.

A WORLD OF LUCK

CHIEF INTEGRATED MARKETING OFFICER

FORTUNE

FORTUNE COOKIE

IMPERIAL FESTIVAL

M FORTUNE COOKIE

MARTIN PAZ

RESORTS WORLD MANILA

WORLD OF LUCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with