Tatlong taon na ang nakalilipas nang magkahiwalay ang dating magkasintahan na sina Piolo Pascual at KC Concepcion. Ayon sa aktor ay wala na raw problema sa kanya kung sakaling magkakasama man sila ng dalaga sa isang proyekto. “We’re okay, we’re okay ni Kristina (KC), wala kaming issues.Yeah! Okay na, napakaliit ng mundo natin para pasikipin,” nakangiting pahayag ni Piolo.
Kamakailan ay nakapag-bonding na rin sina KC at ang personal assistant ng aktor na si Moi Bien. Nag-post pa si KC sa kanyang Instagram account ng mga larawan nila ni Moi na may caption na, “Hiii to the one & only @hatima! Salamat ate Moi sa homecooked Adobong Pusit... Nakakataba... Ng puso... Haha!! Mahal kita. Pang breakfast lunch & dinner ko na to. Na-miss kita ng so much... Thank you ulit...”
“Kasi our fans are still friends naman eh, her fans and my fans, love team eh. kumbaga they support me and they support her and some of them are Moi’s friends,” paliwanag ng aktor.
Samantala, pinaghahandaan na ni Piolo ngayon ang mga bagong proyekto na kanyang gagawin. Napabalita noon na magtatambal sina Piolo at Sarah Geronimo sa isang pelikula. “Next week may pitching ng movie and TV pero hopefully ‘yung original na pinlano sa Star (Cinema) matuloy na. I’m really excited to work with her. I hope we will get to compromise and then we’ll see. I cannot disclose the details yet hanggang hindi pa nagsisimula pero sana ‘yon na ‘yun,” reaksyon ni Piolo.
Ginulat ng aktor ang lahat ng mga tagahanga nang mag-post kamakailan sa Instagram ng kanyang larawan kung saan makikitang siya ay injured. Nagkaroon ng isang bike accident habang ginagawa ni Piolo ang isang TV commercial. “I was doing my last few shots kasi medyo ma-terrain siya. 5 o’clock na at naghahabol kami ng oras pero for some reason there was a light cable na nakaharang sa daan. Compound naman siya eh, tinry ko siyang tawirin pero pagtawid ko sumemplang na ‘yung bike,” pagdedetalye ni Piolo. Hindi na raw kailangang mag-alala ng mga tagahanga ngayon dahil naka-recover na ang aktor mula sa nangyaring aksidente. “Okay ako, wala namang problema, malayo naman sa bituka,” pagbabahagi ng aktor.
Kapansin-pansin pa rin ang malaking peklat ni Piolo sa mukha na kanyang natamo mula sa aksidente. Hindi naman daw nababahala ang aktor kahit na halata pa rin ang kanyang peklat sa mukha. “Hindi ko iniisp na nakakabawas o nakaka-distract. Hindi eh, kasi parang ‘pag nakatingin ka lang sa mata ko, it’s not a distraction at all, battle scar eh. I’m all for a battle scar, parang wala kang magagawa,” pagtatapos pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS