Buo ang Ultimate performers sa grand presscon ng February 13 & 14 Valentine’s Day concert sa SM MOA Arena, kaya 4X ang saya, at tawanan. Kasali na rin si Lani Misalucha sa nahingan ng sample ng press na kumanta ng live at walang effort na nagpaunlak nga ito. Ang natatandaan naming kinanta nito ay A House is Not a Home na song niya para kay Martin Nievera.
Samantala, natanong namin si Lani kung totoong magkamag-anak sila ni Bruno Mars dahil ang apelyido ng mom ni Bruno ay Bayot na siyang apelyido ni Lani noong dalaga pa siya.
Sabi ni Lani, noong mag-show siya sa Hawaii, nanood ang lola, ina at sister ni Bruno at nagkausap sila after the show. Nadiskubre nilang parehong Cavite ang pinanggalingan ng pamilya nila at pareho nilang alam na galing originally sa France ang mga Bayot.
Hindi kinumpirma ni Lani kung relative nga niya si Bruno at baka nga naman akusahan siyang ginagamit ito. Pero batay sa napag-usapan nila ng lola at ina nito, parehong galing Cavite ang angkan nila. Sana magkita at magkausap sina Lani at Bruno Mars, ‘no!
Schedule ni Lovi ginulo ni Heart
Birthday ni Lovi Poe ngayong araw pero wala siyang big party. Nabanggit lang nitong may simple dinner siya with her family at kasama siyempre ang BF niyang si Rocco Nacino at nangyari ito last Monday.
Sayang naman at hindi natuloy ang gusto sana ni Lovi na magkaroon ng small concert sa Teatrino to celebrate her birthday at sabay na rin ang 10th anniversary niya sa showbiz. Hirap siya sa schedule dahil sa preparation sa February 15 wedding nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista, kung saan isa siya sa bridesmaids.
Angelica kinilig sa text ni Alyssa Valdez ng Lady Eagles
Fan pala si Angelica Panganiban ni Alyssa Valdez ng Lady Eagles ng Ateneo. Tuwang-tuwa ito nang mag-text sa kanya si Alyssa para ibalitang nanood ito ng movie nila ni JM de Guzman na That Thing Called Tadhana at kanyang nagustuhan.
Nanginig sa tuwa si Angelica habang sinasagot ang text ni Alyssa at dahil sa text na ‘yun, okay na siya. “Last movie ko na ‘yun. Happy na ako sa career ko, pero dahil hindi pa nagtiti-text si Jennifer Lawrence at hindi ko pa nakikilala si Jude Law, gawa pa ako ng more movies,” post ni Angelica sa Instagram (IG).
Naalala namin, pinost din ni Angelica sa IG ang picture niya with Alyssa at teammates sa Lady Eagles nang mag-guest sa isang show sa ABS-CBN ang volleyball players.