Hindi ako naniniwala sa isyu na nagparaos kuno si Cesar Montano sa harap ng kanyang mga anak na babae.
Matagal na si Cesar sa showbiz pero hindi natin nabalitaan na nambastos siya ng mga babae, ang mga anak pa kaya niya?
Puwede ko pa sigurong paniwalaan ang isyu kung katulad si Cesar ng ibang aktor na nang-harass ng mga aktres na nakatrabaho nila.
Natatandaan ko na may isang aktres na type na type na matsugi si Cesar pero hindi nito pinatulan dahil sa respeto niya sa kapwa lalaki. May asawa na kasi ang aktres na makati pa sa dahon ng gabi.
At sa track record ni Cesar, marami ang babae na nagkakagusto at naghahabol sa kanya, kahit noong may asawa pa siya pero para gumawa siya ng kalaswaan sa harap ng mga anak niya, sobrang unbelievable.
Hindi mawawalan ng mga kokontra sa opinyon ko pero never akong maniniwala sa mga bagong paratang kay Cesar.
Mga anak ni Cesar nakakaawa
Naaawa ako sa mga anak ni Cesar na mga babae pa naman pero nasasangkot sa mga isyu na nakakaloka.
Lumabas sa diyaryo ang bintang kay Cesar na isang sikat na aktor kaya imposible na hindi pagpistahan ang isyu.
Ano na lang ang sasabihin ng mga kaklase ng mga bata? Paano kung tuksuhin sila sa school?
At kung talagang may ganoong isyu, hindi ba puwede na huwag nang i-broadcast sa buong mundo ang kaso bilang proteksyon sa mga inosenteng bata?
Krista kuntento sa pag-aalaga ng tatlong anak
Touched na touched ako sa kind gesture ng mag-asawang Niño Lim at Krista Ranillo.
All these years, kahit nasa ibang bansa sila, never na nakalimot sina Krista at Niño kaya naman good karma sila.
Nadagdagan na ang branches ng mga Filipino supermarket ni Niño sa Amerika dahil click na click ito, hindi lamang sa mga Pilipino kundi pati sa ibang mga lahi.
Sino ang mag-aakala na sobrang domesticated si Krista na hands on sa pag-aalaga sa tatlong anak nila ni Niño?
Masuwerte ang mga anak nina Niño at Krista dahil may mga magulang sila na mapagmahal at responsable.
Kasalang Heart at Chiz, inaayos na ng direktor
Kahapon ko lang na-realize na Sabado pala ang Valentine’s Day at ang 30th birthday ni Heart Evangelista.
Hindi makakapag-celebrate si Heart ng birthday niya sa Startalk dahil nasa Balesin na siya para sa kasal nila ni Senator Chiz Escudero sa February 15.
Baka i-phone patch na lang ng Startalk si Heart sa episode namin sa Sabado para sa mga update tungkol sa pag-iisang dibdib nila ni Papa Chiz.
Sa February 13 ang punta ni Heart sa Balesin pero mauunang bumiyahe ang Startalk staff para sa ocular inspection.
Si Rico Gutierrez ang direktor ng wedding special nina Heart at Papa Chiz na mapapanood sa SNBO ng GMA-7. Running buddy nina Heart at Papa Chiz si Rico kaya close sila sa isa’t isa at malalim ang kanilang friendship.
Pinapaikot ang mga tao Senate inquiry sa Mamasapano Massacre nakakatamad panoorin
Tinamad na akong manood sa TV ng senate inquiry tungkol sa bloody encounter sa Mamasapano, Maguindanao.
Nakakapagod panoorin ang paulit-ulit na tanong kay SAF Director Getulio Napeñas at ang kanyang paulit-ulit na sagot na na-memorize ko na. Isa lang naman ang gustong malaman ng taumbayan, may kinalaman ba si P-Noy o wala?
‘Di ko rin type ang paggamit sa mga salita na advice at hindi order. Wala sa schedule ko ang magpalito sa paikut-ikot at paulit-ulit na tanong sa mga sangkot sa imbestigasyon.