Gustung-gusto na ni Ryza Cenon na mabuntis at magkaanak! Problema lang ay wala siya ni boyfriend na puwede siyang bigyan ng anak. Kaya stop muna siya sa pangangarap at hahanap muna ng magiging boyfriend. Paano nga naman siya magkakaanak kung wala siya ni boyfriend man lang?
Marami ang nagtataka na considering malandi siya sa mga ginagampanang role at mostly kontrabida, ay wala siya ni karelasyon ngayon. Single siya pero wala naman siyang nararamdamang lungkot until maisip nga niya na magka-baby na.
Kaya huwag na kayong magtaka kung any moment now ay makita natin siyang mayro’n nang kasakasama o kaya ay buntis na at handa itong maging ina. Good luck sa kanya.
Nikki napilitan lang ikanta ang engagement sa non-showbiz BF
Ngayon lang nabalita ang engagement ni Nikki Gil na naganap nu’ng bago ng mag-Pasko nakaraang taon. Kung hindi pa naurirat ang aktres dahil sa naging engagement ni Toni Gonzaga ay hindi pa aaminin ni Nikki na nakatakda na rin siyang mag-asawa. Wala pa nga lamang silang napipiling araw ng kanilang wedding ng kanyang non-showbiz fiancé.
Obviously, marami ang natutuwa sa announcement ni Nikki tungkol sa kanyang lovelife. Matagal na rin nang maghiwalay sila ni Billy Crawford at dahil masaya na ito with Coleen Garcia, inaasahan nila na hindi naman mapag-iiwanan sa happiness si Nikki. True enough, she has been happy with her new love at sapat na ang isang taon para naisin nilang gawing mas malalim ang kanilang relasyon.
Monolo dala-dalawa ang ka-loveteam
Marami ang nako-confuse kung kanino ba dapat maitambal si Manolo Pedrosa na mula sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother (PBB). Kay Janella Salvador ba na pinag-aagawan nila ni Marlo Mortel sa Oh My G! at nakatambal niya sa Maalaala Mo Kaya (MMK) o sa kapwa niya alumni ng PBB na si Maris Racal na nakatambal niya sa Hawak Kamay?
May isang pelikula rin na pagbibidahan sina Manolo at Maris, ang Star Versus Me na isinulat ng award winning director at composer na si Joven Tan. Ang Star Versus Me ay isang nobela rin ni Joven na isinalibro at ngayon ay isa sa mga bestseller ng National Bookstore. Tungkol ito sa horoscope at ang pagkagiliw ng mga tao rito.