Dahil sa kasal, Toni hindi na halos makatulog

Noong isang linggo ay ibinalita sa publiko ng magkasintahang sina Toni Gonzaga at Paul Soriano na engaged na sila. Ayon kay Toni ay ibang-iba raw ang pakiramdam niya noong hindi pa nila ito ipinapaalam sa lahat. “Gano’n pala ‘yun. Kapag kayo pa lang ang nakakaalam, talagang nache-cherish mo ‘yung moment, tahimik lang. Pero no’ng na-announce ko na because I want to be honest to everybody, hindi na ako nakatulog. Ngayon parang ‘di tama ‘yung mga tulog ko. Apat na oras, tatlong oras, ang dami ko nang iniisip. Saka agad nag-sink in no’ng sinabi ko na,” pagbabahagi ni Toni.

Excited na raw talaga ang aktres sa mismong araw ng kanilang kasal ng direktor. “Siyempre aside from the vows, you may now kiss the bride,” pabirong pahayag ni Toni. “I read this somewhere ‘yung symbolic talaga, ‘yung paglalakad ng bride sa aisle with mom and dad. Kasi it symbolizes your journey and towards the end of the altar ‘yun ang makakatuluyan mo. Parang sa hinaba-haba ng pinagdaanan mo sa buhay, ‘yung lalaking nasa dulo ‘yon ang para sa iyo,” paliwanag ng Ultimate Multimedia Star.

Sa ngayon ay hindi pa raw maibabahagi ni Toni sa publiko ang detalye ng kanilang kasal. “Definitely, I cannot keep all the details for very long. Eventually malalaman din naman lahat pero just in the right time lang siguro. Let’s take it one step at a time,” pagtatapos ni Toni.

Dahil sa inang pinaslang, Cherry Pie mas napalapit na sa Diyos 

Matapos ang nangyaring pagpaslang sa ina ni Cherry Pie Picache ay unti-unti nang nagbabalik sa trabaho ang aktres.

Ang pag-arte sa harap ng kamera ang nagsisilbing isa sa mga therapy ni Cherry Pie upang unti-unting makalimutan ang malagim na nangyari sa ina. “I’m doing Wansapanataym. I started working finally parang may mga project na paparating, nakikipag-usap na ako. So I’m just so happy na I’m starting to work pero mahirap pa rin pero carrying on,” nakangiting pahayag ni Cherry Pie.

Nakatulong din sa aktres ang dinaluhan niyang isang event kamakailan kung saan siya ay naging guest speaker. “Medyo roller coaster pa eh pero unti-unti, ang daming support na nangyayari, parang ang dami ring realization. I was a guest speaker sa isang gathering ng mga priests where Fr. Tagle used to be a rector. May mga ganyang activites ako ngayon na it helps. Kaya I’m praying na magtuloy-tuloy ang healing,” kuwento ni Cherry Pie.

Mas napalapit daw sa Panginoon ang aktres dahil sa kanyang mga pinagdadaanan sa buhay. “Sabi ko nga sa Panginoon huwag Mo naman ako gawin santa ha,” pagbibiro ni Cherry Pie.

“Kasi parang ginagawa n’ya akong santa dahil sa dami ng realizations eh. We really just want to be positive and be thankful for the blessings sa visit ng Pope lahat-lahat ‘yun,” giit pa ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS  

Show comments