Seen: Bumalik ang weight problem ni Carla Abellana at hindi niya ito naitago sa episode kahapon ng Sunday All Stars.
Scene: Umuwi ng bansa ang former ABS-CBN contract star na si Sarah Christophers para dumalo sa Balesin wedding ng kanyang best friend na si Heart Evangelista sa February 15. Ibang-iba na ang itsura ngayon ni Sarah.
Seen: Free admission ang live 20th anniversary show ng ASAP sa Mall of Asia Arena sa February 22.
Scene: Si Paolo Ballesteros ang lead star ng Die Beautiful, ang pelikula ng direktor na si Jun Lana na gagastusan ng Hong Kong-Asia Film Financing Forum (HAF).
Seen: Transgender woman na dying wish na iburol siya na parang si Lady Gaga na magiging mitsa ng away ng mga bakla at konserbatibong Filipino-Chinese family ang kuwento ng Die Beautiful.
Scene: Hindi uso kay Congressman Manny Pacquiao ang jetlag dahil nagpakita na siya kahapon sa basketball game sa Smart Araneta Coliseum ng KIA Carnival at Barako Bull Energy. Si Pacquiao ang playing coach ng KIA Carnival.
Seen: Sinuportahan kahapon ng Bb. Pilipinas 2015 candidates ang elimination games ng PBA sa Smart Araneta Coliseum.
Scene: Makikita simula ngayon, February 9, sa Gateway Cinema lobby ang official photo exhibit ng Bb. Pilipinas 2015. Dadalo sa ribbon-cutting ngayong 3 p.m. ang mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2015.
Seen: Mag-uumpisa ngayon ang Kailan Ba Tama Ang Mali, ang afternoon soap opera ng GMA-7 na tinatampukan nina Max Collins, Geoff Eigenmann, Dion Ignacio at Empress Schuck.