^

PSN Showbiz

Trailer ng 50 Shades ginawang lego ang mga bida, Malaysian film censorship sinabing porno ang pelikula!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Oh my, showing na pala sa Wednesday February 11, sa bansa ang screen adaptation ng steamy/sexy novel na Fifty Shades of Grey.

Ang balita, hindi raw kinatay ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) dahil nakita nilang nagkaroon naman ng self regulation ang local distributor pero hindi ito mapapanood sa SM Cinemas. Tanging sa Ayala and Robinsons cinemas lang. Hindi nagpapalabas ang SM ng R-18 films.

Maraming nakabasa ng bestseller book ng British author na si E. L. James sa ‘Pinas kaya maraming gustong mapanood ang screen adaptation nito.

At kung pinayagang ipalabas sa bansa ang controversial film, hindi naman ito mapapanood sa bansang Malaysia.

Ayon sa report ng Variety.com, sinabi ng Malaysian Film Censorship na  “more pornography than a movie” ang film adaptation ng nobela ni James.

Heto ang bahagi ng report ng Variety.com :  

“The board made a decision in view of the film containing scenes that are not of natural sexual content. The content is more sadistic, featuring scenes of a woman being tied to a bed and whipped,” sabi ng Malaysian Film Censorship.

Kuwento ang pelikula ng isang mayamang negosyante na na-in love sa kolehiyala. Pero may kakaibang sex trip ang mayamang negosyante na ginampanan ni Jamie Dornan at si Dakota Johnson naman ang gumanap na kolehiyalang na-enjoy ang ginagawa sa kanya ng mayamang negosyante.

At ang pinaka-latest na trailer ng pelikula, Lego version na. Although boses pa rin ng dalawang bida ang maririnig, pero nakakatawa na dahil Lego na sina Christian Grey (Jamie) and Anastasia Steele (Dakota).

Ogie ‘bibinyagan’ ang Philippine Arena

Magsasama-sama ang best OPM stars sa pangunguna ni Ogie Alcasid sa isang natatanging concert na siguradong gagawa ng kasaysayan sa Philippine concert scene na gaganapin sa sinasabing biggest dome in the world - Ogie presents MuSIKATin: Musikang Sikat sa Atin - at the Philippine Arena! 

Ang concert ay magsisilbing celebration of the biggest Original Pilipino Music (OPM) sa loob ng limang dekada. Mapapanood dito ang best love songs, folk, rap, rock and roll, novelty and dance music na ngayon lang mangyayari sa history ng musika sa bansa.

Kabilang sa isang natatanging purely Pinoy music concert sina Mr. Hajji Alejandro, Mr. Rey Valera, Michael V., Angeline Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Gloc-9, Jett Pangan ng The Dawn, and Miss Vernie Varga.

Honored si Ogie sa pagkakataong makapag-concert sa The Arena. Siya kasama ang grupo ng MuSIKATin ang kauna-unahang local concert na gagawin sa sinasabing pinakamalaking dome sa mundo na ipinagawa ng Iglesia ni Cristo.

Musical director si Maestro Ryan Cayabyab kasama ang full orchestra.

Overall concert director si Paolo Valenciano, the son of OPM legend Gary Valenciano, at sinasabing youngest A-list concert director na responsible sa malalaking concert for the last two years.

Gaganapin ito sa February 20, 8:00 p.m.

Tickets are available at SM Tickets.  Call 470-2222 for more information.

Anyway, sana ay suportahan ito ng mga mahilig sa concert. Balitang 55,000 ang capacity ng Philippine Arena.

KZ Tandingan hindi naisip na magiging singer

Hesitant performer pala si KZ Tandingan na nagbago ang image nang magpaiksi ng buhok.

In fact, hindi niya naisip na magiging career niya ang pagkanta while growing up.

Kumakanta lang siya sa during special occasions until she became a lead singer para sa banda sa kanilang lugar sa Digos. Though noon pa raw talaga, iba ang pakiramdam niya pag kumakanta siya.

Ngayon, may dalawang hit song na siya Scared to Death and Mahal Ko o Mahal Ako.

At 22, pinatunayan ni KZ, na she has what it takes to be one of the most in the demand singers of her generation.

Sa kanyang tatlong taon sa showbiz, nakapag-tour na siya sa abroad for the Filipino communities at ang pinaka-recent ay with Piolo Pascual sa Brisbane and Sidney, Australia.

Isa rin siya sa resident performer ng ASAP 20 at nakapag-uwi na siya ng Best New Artist award mula sa Aliw noong 2012, fourth placer sa 2013’s Himig Handog P-Pop Love Songs and grand winner sa P-Pop Love Songs last year. Ang kanyang self titled album under Star Records also made it on the top chart.

Sa kasalukuyan ay ginagawa niya ang kanyang new album kasama ang kanyang compositions. She also recently did a collaboration with Abra and Gloc 9 na kino-consider niyang two of her most exciting projects.

And of course, KZ is set to stage her first Valentine dinner show entitled KZ 4 U on February 14, 8:00 p.m. at the Grand Ballroom of Crowne Plaza Manila Galleria. Makakasama niya si Jimmy Marquez and other surprise guests. Produced by Pink Management Production Inc. and Crowne Plaza Manila Galleria, dinner starts at 6:00 PM and show starts at 8:00 p.m. For ticket reservation, please call 633-7222 or log on to www.facebook.com/crowneplazamanila.

Nagsimula ang career ni KZ nang manalo siya sa first season ng The X Factor Philippines.

 

 

vuukle comment

ABRA AND GLOC

ANASTASIA STEELE

ANGELINE QUINTO

CONCERT

MALAYSIAN FILM CENSORSHIP

OGIE

PHILIPPINE ARENA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with