MANILA, Philippines - Sinubaybayan ang GMA Network noong Enero matapos itong manguna sa nationwide ratings ayon sa datos ng Nielsen TV Audience Measurement.
Kapansin-pansin din na lumakas pa ang performance ng GMA sa lahat ng timeblocks mula umaga hanggang primetime sa NUTAM (National Urban Television Audience Measurement) habang patuloy ito sa pamamayagpag sa mga mahahalagang area ng Urban Luzon at Mega Manila.
Mas marami ring programa ng Kapuso Network ang napabilang sa listahan ng top programs sa NUTAM, Urban Luzon at lalo na sa Mega Manila kung saan lahat ng entries sa top 10 ay mula sa GMA.
Nagtala ng pinakamataas na rating sa lahat ng programa sa Urban Luzon at Mega Manila ang Magpakailanman, habang ito rin ang naging highest-rating Kapuso show sa NUTAM.
Wagi rin ang mga weekend programs ng GMA na Kapuso Mo, Jessica Soho, Pepito Manaloto, Ismol Family, Kapuso Movie Night, at Kapuso Movie Festival.
Pasok din sa listahan ang mga pambato ng Kapuso Network sa primetime tulad ng 24 Oras, Strawberry Lane, More Than Words, at Once Upon A Kiss na agad na sinubaybayan ng mga manonood.
Kasama rin sa listahan ang pinag-uusapang The Half Sisters sa GMA Afternoon Prime.
Samantala, ang inabangang Dingdong and Marian Wedding Special: The Ceremony ang nanguna sa lahat ng specials noong Enero.
Mas marami ring manonood ang sumubaybay sa Ang People’s Pope sa Pilipinas special coverage ng GMA sa pagbisita ni Pope Francis sa bansa mula January 15 hanggang 19. Nagtala ito ng average rating na 15.2 percent sa NUTAM. Angat din ang nasabing coverage sa Urban Luzon at Mega Manila.