Nakitang magkasama sa isang mall ang isang couple na nag-break na naging dahilan para masira ang buhay at career ng aktor dahil hindi kinaya ang paghihiwalay nila ng aktres. Obvious na nag-date ang dalawa at may mga kinilig na makitang magkasama sila. Ito ‘yung fans ng love team ng dalawa.
May mga naalarma rin at hindi natuwa na lumalapit uli ang aktor sa aktres ngayong unti-unti na siyang nakababawi sa kanyang career. Baka raw ginagamit lang siya ng aktres para mas bumango ang career nito. Pinayuhan din ang aktor na lumayo sa aktres at ipagpatuloy na lang ang panliligaw sa nali-link sa kanyang aktres ngayon.
In the days to come, malalaman kung masusundan ang pagkikita ng former showbiz couple at kung ibabalik ang naudlot nilang relasyon.
Bianca gustong magka-cooking show
Enjoy si Bianca King sa Mac & Chiz dahil masayang gawin at hindi niya kailangang magdrama at umiyak. Mabilis niyang nakasundo ang cast at nakakatulong na lima lang silang main cast and the rest, guests na sa bawat episode.
Natuwa rin si Bianca sa nalamang sa new shows ng TV5 na nag-pilot, sila ang may pinakamataas na ratings. Ang wish nito, tuluy-tuloy na mataas ang ratings ng sitcom na napapanood 8 p.m., every Sunday. With Empoy Marquez and John “Sweet” Lapus at idagdag pa si Derek Ramsay, puro tuwa ang hatid nila.
Ang sunod na gustong subukang gawin ni Bianca at kung bibigyan ng chance ng TV5 ay magkaroon ng cooking show at mag-host ng talk show.
Tahimik ang love life ni Bianca sa piling ng BF niyang si Julio Villafuerte na based na rito sa bansa, kaya hindi na long distance ang relationship nila. Marami siyang natutunan sa two years nilang relasyon, mas lumawak ang isip niya at naging comfortable siya sa sarili niya.
Ryza nag-topless na
Nag-swear si Ryza Cenon na hindi siya na-i-insecure kay Empress Schuck sa paglipat nito sa GMA-7 kahit sinasabing ang role ni Empress sa Kailan Ba Tama Ang Mali ay dapat ibinigay sa kanya. Sa halip na maging bida kasama si Max Collins, second lead uli siya at mabuti’t hindi kontrabida.
Sabi ni Ryza, masaya siya sa ibinibigay na project at role ng GMA-7 sa kanya at tanggap na niya kung hanggang saan lang ang itatakbo ng career niya.
Payag na si Ryza sa daring roles at nagpatikim na siya sa Second Chances kung saan may special participation siya bilang babaing naghahabol kay Rafael Rosell. Sa bed scene nila, topless si Ryza, hinubad nito ang bra top na suot dahil nakikita ‘pag tumatagilid siya. Ayaw niyang magtagal ang eksena at magalit si direk Laurice Guillen, ang naisip niyang solusyon ay alisin ang bra top. Take one nga lang ang eksena.