Magandang firefighter ilalahad ang buhay kay Mel

MANILA, Philippines - Uunahin ni Lovi Poe ang career kesa love life sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado.

Pagkatapos magpakitang-gilas bilang si Shiela sa pinag-usapang soap na Ang Dalawang Mrs. Real, ibang Lovi Poe naman ang mapapanood ng mga televiewers ngayong Sabado, when she brings to life the story of Beverly Grimaldo-isang babae na patuloy na nagbubuwis-buhay bilang isang firefighter.

 ‘Pag nakikita ng mga tao si Beverly, unang napapansin ang kanyang ganda. Kaya naman marami ang nagugulat kapag nalalaman nilang isa itong commander sa isang fire station.

Paano nga bang ang isang babaeng tulad ni Beverly ay napasok sa mun­dong karaniwang kinagagalawan ng mga lalake?

Samahan si Ms. Mel Tiangco sa kanyang pakikipanayam kay Beverly, para malaman kung ano ang nagtulak sa dalaga para pasukin ang delikadong profession ng fire-fighting.

Paano tinanggap ng kayang pamilya ang kanyang naging desisyon?

Sa isang male-dominated na larangan, ano ang mga kinailangan pagdaanan ni Beverly para makuha ang paggalang ng kanyang mga kasamahan sa trabaho?

Ang Apoy ng Pangarap: the Beverly Grimaldo ay sa ilalim ng direksyon ni Argel Joseph na mapapanood pagkatapos ng Pepito Mana­loto, Ang Tunay na Kuwento sa GMA7.

Show comments