MANILA, Philippines - Naggagandahan at nagguguwapuhang bumalik sa set ng Goin’ Bulilit ang mga dating child stars ng longest running kiddie gag show para sa isang espesyal na episode para sa pagpapatuloy ng 10th anniversary celebration na eere ngayong Linggo (Pebrero 8) sa ABS-CBN.
Isang bonggang throwback episode ang mapapanood dahil bida ulit sa kiddie gag show sina Jane Oineza, Sharlene San Pedro, Miles Ocampo, John Manalo, Igiboy Flores, CJ Navato, at marami pang Bulilit graduates para sa ‘50’s inspired episode sa Linggo.