Nikki Gil engaged to be married na rin sa non-showbiz BF!

Engaged na rin daw si Nikki Gil kay BJ Albert at ang sabi, si Toni Gonzaga na bagong engaged din kay director Paul Soriano ang nag-confirm. Binisita namin ang Instagram (IG) ni Nikki, pero wala itong nababanggit.

Non-showbiz ang BF fiancé ni Nikki at gaya niya ay graduate rin ng Ateneo de Manila University ng Psychology ito at isang entrepreneur. This year na rin daw ikaka­sal sina Nikki at BJ.

Napansin ng fans ni Nikki na last December, may suot na itong engagement ring at sa Christmas celebration nila ng family niya sa kanilang bahay, kasama si BJ.

Hindi na siguro aakusahan si Nikki na hindi pa nakaka-move on sa break-up nila ni Billy Craw­ford dahil sobra na siyang naka-move on at heto nga, nagbabalak nang magpakasal.

Ellen natuloy na ang ‘balak’ kay Dennis

Tinukso si Ellen Adarna kay Dennis Trillo dahil pinost ng aktres ang picture ng aktor sa kanyang IG na kuha sa shooting ng Regal Entertainment movie na Still The One. Ang caption ni Ellen ay “Nick Carter” at “Saan ka na?” na may hashtag na #shooting. Kaya iba ang dating nito sa mga nakabasa. Kasama si Ellen sa cast ng movie nina Dennis at Maja Salvador under director Chris Martinez.

Naalala ng followers ni Ellen na minsan nitong inamin na crush niya si Dennis na nakasama niya sa Bubble Gang noong nasa GMA-7 pa siya. Dream ni Ellen na makasama sa pelikula ang aktor at natupad na nga ito.

Hindi pa rin pala sinasagot ni Ellen ang tanong ng fans niya kung break na sila ni Raoul Olbes, pero dahil matagal nang hindi nagpo-post ng picture si Ellen na magkasama sila ni Mr. Olbes. Ibig sabihin ba ay hiwalay na sila? Pagbalik nila mula sa ka­nilang European vacation, naghiwalay na nga ba ang dalawa.

Ang bilis naman Bea ipinagpalit na si Jake kay Derrick

Close raw ngayon sina Bea Binene at Derrick Monasterio na nakikita ng mga kasama nila sa Vampire ang Daddy Ko. Nanghihinayang nga ang friends ng dalawa dahil sa ngayon, hindi sila pu­wedeng magkarelasyon dahil may GF si Derrick (ang Viva Artist Agency talent na si Issa Pressman na sister ni Yassi Pressman).

Si Bea nama’y hindi pa kumpirmadong hiwalay na kay Jake Vargas. Ang inamin lang ng aktor sa presscon ng Liwanag Sa Dilim ay may pinagdaraanan ang relasyon nilang dalawa.

Pero totoo bang pagpapahingain muna ng GMA-7 ang love team nina Bea at Jake at kay Derrick muna ipapareha ang dalaga? Ito ang rason kung bakit silang dalawa ang partner nang mag-guest sila sa Cele­brity Bluff.

Naalala naming bago naging BF si Jake, nanligaw muna si Derrick kay Bea at papunta na sana sa maganda ang relasyon ng dalawa. Kinausap lang si Derrick na itigil ang panliligaw kay Bea dahil that time, bini-build up na ang love team nina Bea at Jake. Kaya ‘pag lumalabas sina Bea at Derrick, patago talaga.

Tingnan natin kung totohanin ng JaBea fans ang pangako na kahit malabo sa ngayon ang relasyon ng favorite love team nila, panonoorin pa rin nila ang Liwanag sa Dilim na magbubukas sa February 11.

James natakot sa tabloid writers

Naabutan pa namin sa IG ni James Reid ang post niyang “People who read the tabloids deserve to be lied to.” Kahapon, deleted na ang post niyang ‘yun.

Marami na rin ang nag-react na mga kaibigang tabloid writers dito at hindi maganda.

Show comments