Walang pinipiling panahon basketbolistang magaling sa three points, mahilig sa pokpok!

Heto na ang kabuuang kuwento ng iniwanan naming istorya kahapon tungkol sa isang napapanahong basketbolista na mahilig sa babae.

Lapitin ng babae ang mga basketball players, para rin silang mga musikero at artistang pinaliligiran ng tukso, kundi matibay ang naturalesa ng player ay talagang hindi siya makaiiwas sa tukso ng laman.

Kuwento ng mga Boogie Wonderland ay palaging kumukuha sa kanila ng makakasiping sa panandaliang kaligayahan ang isang magaling na basketball player na miyembro ng isang koponan na tinitilian ng ating mga kababayan.

Kung ang iba niyang mga kasamahang players ay mauutak sa “pakikipaglandian” sa mga bading na nagreregalo sa kanila ng mga mamahaling sapatos at gadgets, ang isang ito naman ay walang hilig sa ganu’n, babae lang ang welkam sa kanyang buhay.

“Mahilig siya, wala siyang pinipiling panahon, kahit may game sila kinabukasan, nakikipagchurvahan pa rin siya. Kaya kapag napapansin n’yo na hindi pumapasok ang mga tres (three points) niya, siguradong kinakapos siya sa lakas, dahil nagamit niya ‘yun sa ibang paraan,” tawa nang tawang kuwento ng aming impormante.

Sumasandal kasing madalas ang team ng basketbolistang ito sa kanyang mga tres. May magic ang kanyang mga kamay, kahit gaano pa siya kalayo, siguradong maisu-shoot niya ang bola.

Patuloy ng aming source, “Kahit nu’ng nasa collegiate basketball pa lang siya, e, ganyan na siya katulis sa babae. Tatlong M nga ang tawag sa kanya ng mga co-players niya. Marupok, mapusok, pokpok!”

Guwapo ang basketball player, macho kung macho ang kanyang dating, kapag hindi siya kumukuha ng babae ay epektibo ang malalayo niyang pagbato ng bola na madalas na dahilan ng pananalo ng kanyang team.

Never say die! Ubos na ubos!

Kris at P-Noy pareho nang gasgas ang mga atake

Sa isang tweet ni Kris Aquino ay minsan pa siyang nagkanlong sa saya ng namayapa niyang ina. Pareho lang silang magkapatid, kapag nalalagay sila sa alanganin ay bigla nilang hinuhukay sa libingan ang iniwanang kasaysayan ng kanilang mga magulang, ‘yun ang kanilang panlaban.

Masyado nang gasgas ang kanilang atake. Wala nang ibang nililitanya ang magkapatid na ito kundi ang kanilang mga magulang, “Nu’ng nabubuhay pa po ang aking ama,” madalas na bahagi ng talumpati ni P-Noy.

Si Kris naman ay nagsabing tinuruan siyang maging matapang ng kanyang ina, kailangan daw niyang magpakatatag, hindi raw siya dapat umuurong sa kahit anong uri ng laban.

‘Yun ang pinanghahawakan niya ngayon, ang pagiging matapang, dahil ‘yun daw ang iniwanang payo ng kanyang namayapang nanay. Du’n ngayon nagkakanlong si Kris, pero mukhang wala nang karisma ang kanyang mga katwiran, patuloy pa rin siyang pinakakain ng apdo ngayon ng ating mga kababayan.

Siguro nga ay sinabihan siya ni Tita Cory na maging matapang, pero siguro rin ay pinayuhan si Kris ng kanyang mommy na maging maprinsipyo, dahil ang katangiang ‘yun ang sinasabing dahilan kung bakit itinuturing na bayani ng ating bayan ang kanyang tatay.

Sigurado ring pinayuhan ni Tita Cory si Kris na makipaglaban hanggang sa kamatayan kapag siya ang nasa tama, pero kapag siya ang mali, matuto siyang humingi ng paumanhin.

Show comments