Seen : Hindi masisisi si Derek Ramsay sa pagtatanggol niya kay Kris Aquino dahil isa ito sa mga nagbigay sa kanya ng moral support nang idemanda siya ng estranged wife niya na si Mary Christine Jolly.
SCENE : Karapatan ni Derek Ramsay na ipagtanggol si Kris Aquino dahil may gagawin sila na pelikula. May kailangang protektahan si Derek.
Seen : Nagkaroon ng lamat ang friendship nina AiAi Delas Alas at Kris Aquino dahil sa hindi ito nakiramay nang mamatay ang ina ni AiAi.
Binabatikos si P-Noy dahil sa hindi niya pagsipot sa arrival honors para sa Fallen 44 ng PNP-SAF. It runs in the family?
Scene : Ang mababaw na justification ng TV reporter na si Doris Bigornia na hindi nasayang ang pagkamatay ng Fallen 44 ng PNP-SAF dahil napatay naman nila ang international terrorist na si Marwan. Hindi nasayang ang maraming buhay kung nagkaroon ng proper coordination sa pagdakip kay Marwan.
Seen : Luma at pick up mula sa entertainment section ng mga diyaryo ang mga showbiz news ni DJ Chacha sa dzMM. Hindi marunong mag-practice ng attribution si DJ Chacha sa mga pinagkukuhanan niya ng kanyang mga balita.
Scene : Hindi komportable sa panonood ang televiewers kapag ipinapakita ang mga video ng pakikiramay ni DILG Secretary Mar Roxas sa mga naulilang pamilya ng Fallen 44. Nasosobrahan sila sa ipinapakita na sincerity ni Roxas.
Seen : Ang nagtataka na tanong ni Robin Nievera na may koneksyon pa rin sa isyu ng mga pulis na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao: “ How is “unfriending” or “blocking” someone off social media a headline for news??