Nikki Bacolod nakipag-collaborate sa Malaysian singer!

MANILA, Philippines – Ang Singer, VJ, actress na si Nikki Bacolod ay nag-release ng kanyang latest single, Sa Iyo na regular na  naririnig sa mga local radio stations at nagiging most requested song.

Ang Sa Iyo ay collaboration ng ballad singer na si Nikki at ng Malaysian Pop and RnB singer na si Min Yasmin. Ito ay ang first single mula sa album na 2Voices  at Tagalog bersyon ng Malaysian song Hilangkanlah, na theme song ng Malaysian hit teleserye Derhaka Seorang Madu TV3.

Si Nikki Bacolod ay dating  2nd runner up ng Star Million search at si Min Yasmin ay singer at actress mula sa Malaysia at kilala bilang film, television  at drama sound track singer. Ang Sa Iyo ay  likha ni  Julfekar, HA & Roosevelt T.Itum at produced  ni Julfekar , isang sikat na composer at producer  mula sa Malaysia at Managing Director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. and JULFEKAR Music sa Malaysia.

Ang album na 2Voices ay ni-record sa Kuala Lumpur at Manila at nag­lalaman ng iba’t ibang musical genres at recorded sa tatlong language (Tagalog, English at Malay). Kasama sa album ang 10 songs katulad ng Sa  Iyo, Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman, Ako’y Babangon Pang Muli, Tuwing Ika’y Kapiling Ko, Di Na Ako Luluha Pa, Yakap. Mabibili na ang album simula sa Marso sa lahat ng recording stores at distributed ng MillenniumArt Sdn. Bhd. At JULFEKAR Music o visit julfekar@yahoo.com.

Show comments