^

PSN Showbiz

Ex, asawa na ng Kapamilya actress bagong GF ni Derek may anak na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

May feeling kaming fan ni Empoy Marquez si Derek Ramsay dahil sa presscon ng Mac & Chiz, tawa ito nang tawa sa jokes ni Empoy. Benta sa kanya ang mga hirit nito at inaabangan ang bawat punchlines ng kapwa bida ng sitcom ng TV5 at talagang humahagalpak ng tawa.

Wala raw siyang panama kina Empoy at John “Sweet” Lapus na great comedians at kahit nakatayo lang ay kayang magpatawa. Si Empoy, hindi sinusunod ang script, pero swak pa rin ang lines sa memorized lines nila. Si Sweet ay isang basa lang sa script at alam na ang sasabihin at gagawin.

Masaya pala ang cast ng Mac & Chiz dahil sa new shows ng TV5 na nag-pilot, ang show nila ang nakakuha ng pinakamataas na ratings. Sa isang episode nila, tatlong bigatin ang kanilang guests. May budget ang sitcom pagdating sa mga guests.

Nagpapatulong na lang ang TV5 at ang cast sa media na patuloy na isulat ang Mac & Chiz na napapanood, 8 p.m. every Sunday sa direction ni Jade Castro.

Hindi nakaiwas si Derek sa tanong sa SAF Fallen 44 Fallen, sa kaibigang si Kris Aquino at sa kanyang love life na in fairness, sinagot niyang lahat.

Nakalulungkot daw na after ng successful na pagbisita ni Pope Francis, ang nangyari sa SAF 44 ang sumunod. Very upset at disappointed ang dad niya na isa ring pulis. Nagalit din siya sa nangyari, pero mahirap pang magsalita na hindi pa kumpleto ang facts.

Ano ang comment niya sa mga namba-bash kay Kris?

“It’s very sad, why bash her? I just don’t understand. Sana tumigil na ang bashers, it’s hurtful. It’s very personal, not humane, it’s awful. When you’re brother’s life is at stake, kung may threat, it’s not something to joke about, idedepensa mo ang brother mo,” sagot ni Derek.

Tinext ni Derek si Kris nang magsimula itong i-bash ng netizens at pinayuhang maging strong at in-assure that he’s just around to support her.

Hindi rin itinanggi ni Derek na he’s seeing someone at nalaman agad ito ni Kris. Hindi pinangalanan ang girl na isang single mom at ang ama ng anak ay husband ngayon ng isang Kapamilya actress.

“She does have a daughter, okay lang. Pareho kaming may anak and her being a single mom is not a problem. But we’re taking things slow, we enjoy each other’s company. We’re gonna see where it goes from there. We don’t wanna jump into something just because we’re attracted to one another,” pahayag ni Derek.

Imbitahan din kaya ni Julia sa debut?! Gretchen imbitado sa kasal nina Heart at Sen. Chiz

Invited sina Mr. Tony Cojuangco at Gretchen Barretto sa wedding nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Pinost ni Gretchen sa Instagram (IG) ang invites nila at sigurado ang pagdalo ng da­lawa dahil sabi ni Gretchen, “I won’t miss this Grand wedding.”

Hindi lang ipinakita ni Gretchen kung sa February 15, sa Balesin sila invited o sa wedding reception sa Manila. Basta dadalo sila ng kanyang partner.

Ang hinihintay ngayon ay kung imbitado sina Gretchen at Tony sa debut ni Julia Barretto sa March 10. Nagsimula nang mamigay ng invites at may mga nakita na kaming nag-post ng kanilang invitation sa social media. Imbitahan kaya ni Julia ang tita Gretchen niya na may isyu sa mommy niya?

Kris nakahanap ng kakampi kay Teddy Locsin Jr.

Pakinggan kaya ng bashers ni Kris Aquino ang tweet ni Teddy Locsin Jr., na “I think we should let up on Kris, okay? She’s not part of this.”

Tinanong si Mr. Locsin ng kausap niya sa Twitter kung ano ang kinalaman ni Kris sa usapan nila? Ang sagot ni Mr. Locsin ay “Jesus, the beatings are viral.”

vuukle comment

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

DEREK

DEREK RAMSAY

GRETCHEN

KRIS

KRIS AQUINO

MR. LOCSIN

TEDDY LOCSIN JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with