MANILA, Philippines – Si Pope Francis ang lagi kong naiisip sa tuwing pupunta ako sa Baclaran Church.
Sa nasabing simbahan kasi makikita ang maraming uri ng mahihirap at makikita mong talagang nangangailangan ng tulong.
Mula sa mga lolang nanghihingi at parang mga hindi na kumakain, hanggang sa pinakabatang bitbit ng mga ina nila.
Kung nakita lang sana sila ni Pope Francis ang naturang lugar, baka nag-effort siyang tulungan sila.
Wala kasi akong makitang may effort na tulungan ang mga dumaraming nanghihihingi ng tulong sa Baclaran dahil hindi sila nababawasan, na kada linggo ay parang nadadagdagan pa.
Kasama kaya sila sa ilang mga street kids and families na dinala sa isang resort sa Batangas noong dumating ng bansa ang Santo Papa para maitago? Kasi ang kuwento ng isa kong friend nang dalhin daw ang mga nasabing street kids at families sa isang resort sa Batangas ng DSWD, sabay-sabay nag-swimming ang halos 500 na ‘bisita’ ng resort. Aba pag-ahon daw ng swimming pool, nangitim ang tubig dahil nga hindi naman araw-araw sila naliligo kaya talagang nabanlawan daw ang mga ‘bakasyunista’ sa pool. But sadly, hindi na ‘yun pinag-uusapan ngayon dahil nakatuon ang pansin ng lahat sa Fallen 44 na ibinuwis ang buhay dahil sa umano’y mga terorista.
Anyway, going back to Baclaran church. Ang isa dati noon kasing namumudmod sa mga namamalimos doon ay ang namayapang si Mang Dolphy.
Noon kada-Martes ng hatinggabi nagpupunta na ‘yun sa Baclaran. At paglabas niya ng simbahan, kinukuyog na siya na isa-isa naman niyang inaabutan. Kaya nang mamatay si Mang Dolphy, kasama sila sa mga nagluksa. I’m sure ngayon, nami-miss nila ang hari ng komedya.
Walang pumalit sa nasabing ‘trono’ ni Mang Dolphy na nagsi-share ng blessings sa mga kapus-palad sa Baclaran church.
Sana nga tutal malapit na ang election ay may makaisip na pulitiko o ahensiya ng gobyerno na tulungan sila. Sobrang maraming kawawa sa nasabing lugar lalo na pag Martes at Miyerkules.
Marian tinutupad ang matagal nang pangarap
Mag-e-enroll na rin si Marian Rivera kay Heny Sison (sikat na chef). “Finally I have a chance of fulfilling my dream of becoming a real chef someday,” sabi ni Marian sa kanyang Instagram account.
Passion na ni Marian ang pagluluto na namana raw niya sa kanyang lola.
Hindi naman kaya pareho silang manabang mag-asawa (Dingdong Dantes) kung sobrang sarap magluto ni Mrs. Dantes na balitang tomboy ang next role na gagampanan sa kanyang gagawing serye sa GMA.
Pacman rubbing elbows kina Obama
Pagkatapos kay Prince Harry kay President Barrack Obama at ibang leaders naman ang makaka-rubbing elbows ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao para sa isang Prayer Breakfast. Ayon kay Pacman (sa kanyang Instagram account), mahigit 100 leaders mula sa iba’t ibang bansa ang dadalo sa nasabing Prayer Breakfast.
Ito na raw ang second time na magkikita sina President Obama at Pacman.
Gretchen dinadaan sa pagkanta ang ‘away’ kina Claudine and Marjorie?!
Balik sa pagkanta si Gretchen Barretto. Sa kanyang IG account, panay ang upload niya habang kumakanta at may nagpa-piano. “Reunited with my first love, singing,” sabi niya.
Dati nang nagka-album si Gretchen noon at siguro imbes na kunsumihin ang sarili sa away nila ng mga kapatid na sina Claudine at Marjorie, kumanta na lang siya.
Patio Victoria may catering at event styling na rin
Hands on pa rin ang singer-actress and Tacloban Councilor Cristina Gonzales-Romualdez sa pagme-mentor sa staff at pagmo-monitor ng full service ng Patio Victoria sa Intramuros, Manila. Ito ay kahit consultant na lang si Ms. Cristina ng Patio Victoria na ini-introduce ang kanilang bagong scenic gardens na perfect para sa parties and corporate events. Ito ay ang Sofie Garden at Diana Garden na puwedeng mag-accommodate ng 350 guests. Kakaiba ang ambiance nito dahil sa old-world appeal habang ang kanilang Sofia Banquet Hall ay indoor venue na suitable naman sa intimate gatherings.
At dahil nga natututukan ni Ms. Cristina ang bawat detalye ng lugar, dream come true ang pakiramdam ng mga nagdaraos ng party rito.
Bukod sa pagiging events place, nagka-cater na rin sila at may styling services na rin to provide everything sa gustong magpa-party.
Na-convince rin ni Ms. Cristine ang management ng Patio Victoria na mag-venture sa outside catering within Metro Manila.
Kabilang sa kanilang especialties ang Paella ala Patio Victoria, Lengua Badegero, Seafood ala Pobre, Beef Salpicao and fusion Filipino and Spanish cuisine.
Very reasonable raw ang price and excellent ang food.
Kaya sa mga hindi maka-decide kung anong theme or concept nila sa isang big event sa kanilang buhay, tawag lang kayo sa Patio Victoria for more information or inquiries please call 526-1953, 523-6940 and 404-3682 at masosolusyunan ang iniisip n’yo.