Patricia at Vince Hizon mahusay magtipid

MANILA, Philippines – Nakilala bilang The Prince ng Philippine Basketball Association si Vince Hizon pero hindi lang siya sa hardcourt magaling. Pagdating sa bahay, champion din siya ngayong gabi sa Powerhouse hosted by Kara David sa GMA News TV.

“Wala akong kaalam-alam sa budget. He does everything, pagdating sa pagbabalanse at pagbabayad ng bills and logging everything,” ito ang kwento ng asawa ni Vince na si Patricia.

Taong 2003 nang tumatak sa mga manonood ang proposal ni Vince kay Patricia sa halftime break ng isang laro sa PBA. Labing dalawang taon nang nagsasama ang dalawa at nabiyayaan sila ng da­lawa anak.

Sa mahigit isang dekada nilang pagsasama, alam daw ni Patricia na siya lang ang nag-iisang prinsesa sa puso ni Vince.

Ipasisilip ng dalawa ang kanilang dream house sa Quezon City na kanilang pinangarap bago pa man sila ikasal. Nasa 1,000 square meters ang lawak ng buong tahanan na modern at minimalist ang tema. May basketball court din sa likod nito.

Madiskarte raw si Vince pagdating sa pagtitipid. Sa katunayan, ang sahig nilang makintab, suka at tubig lang ang kanilang gamit.  Sa kabila rin ng laki ng bahay nila, ipinagmamalaki ng mag-asawa na sobrang liit ng kuryente nila, paano kaya nila ito ginagawa? Ano ang sikreto ng kanilang masayang pagsasama? Paano nga ba maiiwasan ang pa­ngangaliwa sa isang relasyon?

Show comments