It’s final Salve A. Ang Viva Films na ang magpu-produce ng lahat ng mga pelikulang gagawin ng bagong child star na si Alonzo Muhlach who is turning 5 on February 19. Matutupad na rin ang matagal nang pangarap ng ama ni Alonzo, ang dating Child Wonder na si Niño Muhlach na mag-direk ng pelikula.
Lahat ng pelikulang gagawin ni Alonzo ay co-produced ng Viva Films at ni Nino under his own film outfit at open din sila for co-productions with other movie companies and producers.
Makikialam na rin ang Viva sa lahat ng projects na gagawin ni Alonzo bilang co-manager ng bagong child wonder-in-the-making
Kasama sa mga plano ng Viva ay i-remake ang napakaraming pelikulang pinasikat noong dekada sitenta ni Niño na pagbibidahan mismo ng kanyang anak na si Alonzo. Nariyan ang una niyang pelikula with Fernando Poe, Jr. (FPJ), Ang Leon at ang Kuting (1975), Peter Pandesal, Amihan at si Hagibis, Butsoy, Tutubing Kalabaw, Tutubing Karayom with FPJ, Jack en Poy, Ang Tatay Kong Nanay with Dolphy, Tahan na Empoy na parehong idinirek ng yumaong si Lino Brocka, Kaming Patok na Patok with Chiquito, Hepe, Nognog, Darna at Ding with Vilma Santos, Tembong, Cuatro y Media, Juan Balutan, Tropang Bulilit, Mac en Kulit, The Godson, Enteng Anting, Ang Pagbabalik: Harabas at Bulilit with Jun Aristorenas, Bokyo at maraming iba pa.
Kahit marami nang child stars ang naglabasan after Niño Muhlach, wala pa rin ni isa sa kanila ang nakapantay man lamang sa inabot ng dating child wonder, pero ito’y inaasahang mangyayari sa kanyang “mini-me” na si Alonzo na marami na ring inquiries for product endorsements.
This early ay pinag-iisipan na ng Viva at ni Niño ang magiging launching project ni Alonzo na nakatakdang i-direct o i-co-direct ni Niño with him also as the line producer of the movie.
Unang lumabas si Alonzo sa Bet On Your Baby at sinundan ng Pinoy Big Brother (PBB) All In last year.
Sa kanyang nalalapit na 5th birthday, isang big kiddie party ang inihahanda ni Niño.
PLDT may pangnegosyong ipinamigay
Alam mo, Salve A., napakasuwerte ng apat sa ating mga kasamahan sa panulat na sina Rowena Agilada, Emy Abuan, Glen Sibonga at Ricky Gallardo dahil sila ang nanalo sa apat na Cyberya (pisonet) units sa pina-raffle ng PLDT KaAsenso Cyberya na ginanap sa Max’s Scout Tuazon in Quezon City last Monday afternoon na may kinalaman sa bagong pang-negosyong produkto ng PLDT.
Ang PLDT KaAsenso Cyberya ay isang Internet café package kung saan kasama na ang computer set, cabinet, coin-operated machine at Internet connection.
Ang apat na entertainment writers ay puwedeng magsimula ng kanilang mini business (Internet café) sa pamamagitan ng PLDT KaAsenso Cyberyana in-demand ngayon among business upstarts.