^

PSN Showbiz

Lovi ayaw makisawsaw sa problema ni Heart sa magulang!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Iniiwasan pa rin nina Jake Vargas at Bea Binene ang isyung break-up nila dahil ayaw nilang makaapekto ito sa kanilang pelikulang Liwanag sa Dilim na magsu-showing na sa February 11.

Isa lang naman ang wish ni Jake, na sana makasama raw nila si Kuya Germs na panoorin ito sa kanilang premiere night sa Februray 10.

Pero ayon sa mga taong malapit kay Kuya Germs, mabilis daw ang improvement ng Master Showman kaya hindi pa nila masasabi sa ngayon kung dadalhin pa siya sa Amerika.

Sa Biyernes, kasi may taping uli ang Walang Tulugan with the Master Showman at parang type na raw ni Kuya Germs na sumali dahil nakakapagsalita na ito.

PAK: Iniiwasan ni Lovi Poe na sagutin ang isyu tungkol sa planong ‘di pagsipot ng magulang ni Heart Evangelista sa kasal ng huli.

Nagkakausap daw silang mag-bestfriends at mas mabuting huwag na lang daw siyang magsalita.

Napabalita kasing malabo na raw talagang makarating ang magulang ni Heart kaya ayaw nang magkomento ni Lovi kaugnay dito.

Pagkatapos ng taping ni Lovi sa Magpakailanman, magba-Baguio raw sila ni Rocco Nacino para doon i-celebrate ang kanyang kaarawan pati na rin ang Valentine’s Day.

Nasa Balesin na kasi si Lovi sa Valentine’s Day para sa kasal ni Heart.

BOOM: Nakakaawa na ang kalagayan ni Jam Sebastian na matagal nang nakaratay sa sakit na Bone Cancer.

Nakilala itong si Jam sa social media kasama ang girlfriend niyang si Mich Liggayu, kaya nakilala silang Jamich.

Nakausap ng Startalk ang kapatid ni Jam na si Yexel at awang-awa na raw sila sa kalagayan nito.

Ayaw na nilang ipakita ang litrato dahil talagang buto’t balat na raw ito.

Kuwento ni Yexel, “Yung dampi ng hangin ng aircon masakit na sa kanya kaya nga nakahubad na siya ngayon. Dati nakadamit pa siya, tapos inaangat niya unti-unti kasi pag dumadampi may part na raw na masakit.”

Ang hiling na lang daw ngayon ni Jam ay idaan na siya sa Euthanasia o mercy killing dahil hindi na raw niya kaya pa. Pero sabi ng ina ni Jam, lahat daw ay ibibigay niya para sa kanyang anak, pero itong hiling daw ni Jam ang hindi niya kayang ibigay.

Kamakalawa ay nakunan ng Startalk na dinalaw ni Mich si Jam para dalhan ng regalo  bilang selebrasyon na nila ng Valentine’s Day.

BEA BINENE

BONE CANCER

HEART EVANGELISTA

INIIWASAN

JAKE VARGAS

KUYA GERMS

LOVI

MASTER SHOWMAN

RAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with