MJ Lastimosa kababawan ang pinagsasabi, tama nga palang naligwak sa top 5; Billboard sa kasalang Chiz at Heart ex-deal!
SEEN: Sarado ang isip ng publiko sa katotohanan na karapatan ni Kris Aquino na ipagtanggol ang kanyang kapatid na si P-Noy. Nananawagan sila na huwag suportahan ang mga product endorsement ni Kris.
SCENE: Ang RTVM (Radio TV Malacañang) ang naglabas ng 7-minute video ng pakikipag-usap ni P-Noy sa PNP-SAF Troopers matapos ang dialogue niya sa mga naulilang pamilya ng Fallen 44 noong Linggo. Hindi na dapat inilabas ang video dahil nagmukhang nakikipag-usap sa pader ang pangulo sa pangdededma na ginawa ng SAF Troopers. Walang sagot o reaksyon ang SAF Troopers nang sabihin sa kanila ni P-Noy na huwag silang mahiya na ipahayag ang mga saloobin nila.
SEEN: Follower pa rin ni Kris Aquino sa Instagram si Judy Ann Santos na patuloy na nakatatanggap ng mga paghanga dahil sa ipinamalas na paninindigan.
SCENE: Hindi intelligent ang mga sagot ni Mary Jean Lastimosa nang ipasagot sa kanya ni Kris Aquino sa Aquino & Abunda ang mga tanong ng judges sa Top 5 candidates ng Miss Universe 2014. Tama lang na naligwak si Lastimosa sa Top 5 dahil naiwasan niya na ilagay sa kahihiyan ang sarili.
SCENE: Pumayag si Aljur Abrenica na maging special guest sa concert ni AiAi Delas Alas sa The Theater ng Solaire sa February 12 alang-alang sa kanilang friendship.
SCENE: Pinagkaguluhan ng mga Pinoy sa opening ng City of Dreams noong Lunes sina Ne-Yo at Kelly Rowland, ang ex-member ng Destiny’s Child. Sina Ne-Yo at Rowland ang mga international singer na nag-perform sa magarbo na pagbubukas ng bagong resort at casino sa Pilipinas.
SEEN: Ang EDSA billboard nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero para sa kanilang forthcoming wedding na ex-deal sa isang product endorsement ni Heart.
- Latest