MANILA, Philippines – Mataas ang rating ng comedy show nina Derek Ramsay at Empoy sa TV5 na Mac & Chiz na napapanood every Sunday 8:00 p.m.
Dobleng saya nga naman dahil first time magpapatawa si Derek na mas kilala sa mga sexy drama role. Plus sinamahan pa ni Empoy na kilalang fresh ang atake sa pagpapatawa. Meaning tinanggap ng viewers na komedyante si Derek.
Sa kanyang unang pagsabak sa komedya, gumaganap ang MMFF 2015 Best Actor bilang guwapo, matalino at mayamang binatang si Macario Vasquez, o Mac, na siya ring sikat na tagapagmana ng Kubyertos – isang matagumpay na family restaurant chain sa Pilipinas. Tuluyang magbabago ang takbo ng buhay ni Mac nang hilingin ng kanyang ama na hanapin niya ang kanyang nawawalang kakambal. Kung saan-saan naghanap si Mac ng lalaking kasing-guwapo at kasing-talino niya pero anong mangyayari pag nalaman niyang ang hinahanap niyang kakambal ay nasa katauhan ng lugaw street vendor na si Francisco Espinosa, o Chiz (Empoy), na malayung-malayo ang itsura sa kanya?
Riot ang pagkakaiba nilang dalawa sa isa’t isa. Dahil laki sa luho at karangyaan, refined at well-behaved si Mac kaya naman medyo torpe at snob ang dating niya sa mga kababaihan. Samantalang si Chiz, dahil sa pagiging laking-probinsiya ay madiskarte at kataka-takang matinik sa chicks. Mas lalo pang titindi ang away-magkapatid sa pagdating ng maganda at mala-anghel na si Candy (Bianca King), na siyang naatasan upang turuan si Chiz na umasal bilang isang heredero. Love at first sight kay Candy si Chiz samantalang unti-unti namang nade-develop si Mac sa dalaga.
Mapapanood ang Mac & Chiz tuwing Linggo, alas-8 ng gabi sa TV5 pagkatapos ng Move It: Clash of the Streetdancers.
Bet on Your Baby pahinga muna sa ere
Magpapaalam muna sa ere ang Bet on Your Baby na namayagpag din ng halos dalawang taon. At kahit sa huling linggo ng top-rating game show ni Judy Ann Santos-Agoncillo marami pa rin itong baong pasabog.
Mula sa orihinal nitong iskedyul na weekly program sa loob ng 13 na linggo, makailang ulit na ini-extend ng ABS-CBN ang pag-ere ng Bet on Your Baby hanggang sa maging daily program ito dahil sa mataas na ratings.
Wala namang sigurong kinalaman ang pamamahinga ng Bet Ony Your Baby sa isyu kay P-Noy at Kris Aquino. Just kidding.
That Thing… naka-A, Angelica at JM kailangan ng box office
Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang That Thing Called Tadhana. Meaning maganda ang pelikula at magaling sina Angelica Panganiban at JM de Guzman.
Magandang comeback ito for JM na hindi inililihim na dumaan sa depression nang hindi kayanin ay nabaling ang attention sa drugs kaya nagpa-rehab.
Pero naka-recover na si JM. Nakabalik na siya at ginawa nga itong That Thing Called Tadhana na nakasali sa Cinema One Originals Film Festival last year.
Nanalong best actress si Angelica sa pelikula, pero nganga sa pagka-best actor si JM.
Dalawa lang silang bida rito at nakakaaliw na nakaya niyang dalhin ang pelikula na sinulat at dinirek ni Antoinette Jadaone.
Magsisimula itong mapanood sa mga sinehan starting today.
Sana nga ay kumita ang pelikulang ito at matulad ang kapalaran sa English Only, Please. Parehong kailangan nina Angelica at JM ang box office para naman mabalik ang ningning ng kani-kanilang career.