MANILA, Philippines — Alam ng basketbolistang si James Yap na may mga basher na ang kanyang anak na si Bimby kasunod ng pagpasok sa showbiz.
Sinabi ni James na ayaw na lamang niya patulan ang mga ito upang hindi na lumaki pa.
"Tinatawanan ko na lang, kasi hindi mo naman hawak lahat ng isip ng tao. So, okay lang yun," sabi ni James na inaming mayroon din siyang bashers.
"So tatawanan na lang yun. Mahirap naman kung papatulan dahil lalaki lang.”
Aniya wala siyang magagawa sa mga bashers dahil magkakaiba ang pag-iisip ng bawat isa.
"Kapag nasa showbiz ka, hindi mo talaga hawak ang pag-iisip ng mga tao," paliwanag ni James.
Sa kabila ng lahat ay proud daddy si James sa natatamasa ni Bimby.
"Masaya ako dahil nakikita niya yung suporta namin sa kanya.”