^

PSN Showbiz

Kris mas papupurihan kung pupunahin ang mga kamalian ni P-Noy

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi lamang naman siguro si Judy Ann Santos ang magkakaro’n ng disgusto sa kapatid ni Kris Aquino na si Pres. Noynoy Aquino kundi ang marami pang kapwa niya artista dahil sa mga kapalpakan ng pangulo sa isyu ng pagsalubong sa mga labi  ng mga namatay na SAF.

Hindi naman siguro maaring tanggihan na lamang ni P-Noy ang suhestyon ng kanyang nga ka­pa­tid at kaibigan, lalo na ni Kris, na kilala sa kan­yang mga pamumuna sa kapalpakan ng gobyerno. Mas magugustuhan pa siya ng publiko kung pati ang kanyang kadugo ay pupunahin niya sa mga maling desisyon at pamamalakad nito. After all, tao lamang si P-Noy at hindi Diyos na ‘di maa­ring magkamali. Hindi tatanggapin ng maganda ng publiko ang ginawa niyang  pagtulong sa pamilya ng mga nasawing pulis after his brother’s mistakes. Mas maa-appreciate nila ang sinserong tulong na magmu­mula kay P-Noy hindi lamang bilang pangulo ng bansa kundi bilang isang tao rin.

Toni matagal naka-move on sa marriage proposal ni Direk Paul

Akala naman ng lahat ay kung anong problema meron si Toni Gonzaga. Naba­lita kasi na may pinagdaraanan ito na inakala ng lahat ay masama. ‘yun pala ay hin­di lamang ito maka-recover sa napakagandang kaganapan sa kanyang buhay, ang marriage proposal na tinanggap niya mula sa kanyang boyfriend of more than se­ven years na si Paul  Soriano pagkata­pos ng kanyang birthday. At dahil tapos na ang ka­arawan niya kung kaya sila lamang magpapamilya ang naging witness sa matagal nang hinihintay ng lahat na event.

Sa taong ito magaganap ang kasal nila, pero wala pang siguradong buwan o araw. Ang sigurado lamang ay isa sa mga ninang si Kris Aquino.

Sharon ayaw masira ang image kay Napoles

Hindi na siguro kailangan pang pagdudahan ang sinabi ni Sharon Cuneta na hindi siya gaganap sa pag­sa­sapelikula ng buhay ni Janet Napoles. Ngayon pa ba niya ito gagawin, eh nababalitang lalahok siya sa pu­­litika sa darating na eleksyon? Malaking minus point para sa kanyang magiging kandidatura kung tatang­ga­pin niya ang proyekto tungkol sa isang babae na ma­ituturing na pinakamalaking kontrabida sa kasaysa­yan ng bansa at nagsilbing dahilan para makulong ang marami nating pulitiko at artista.

Jake hatinggabi kung dumalaw kay Kuya Germs

Poor, poor Jake Vargas. Sa pagkakasakit ni Kuya Germs ay malalagay sa alanganin ang career niya. Ngayon ay mayroon pa siyang pelikulang Liwanag sa Dilim, pero pagkatapos nito, ano?

Walang maaring makipag-negotiate para sa kanya. Kapag kumuha naman siya ng substitute ay malalagay din siya sa alanganin at baka masabihan pang walang utang na loob. ‘Yung pagpunta nga niya ng disoras ng gabi para dalawin ang manager niya ay nagsimula na ang intriga. Tsk. Tsk. Tsk.

Bamboo nababawasan ang kredibilidad sa The Voice...

Hindi lamang ako kundi napakaraming manonood ng The Voice of the Philippines ang naniniwalang nagkamali na naman ng desisyon si Bamboo nang hindi nito piliin si Arnie Hidalgo para magpatuloy pa ng kanyang journey sa VOP. Obvious naman na pi­na­kamagaling sa mga contestant ang umuwing luhaan na singer.

Matatandaan na hindi pa rin ganap na nalilinaw ‘yung pagkawala sa kumpetisyon ng isa pa niyang na­pi­­ling protégé. Ang mga ganitong pangyayari ay nagbabawas ng malaki sa kredibilidad ng paligsahan.

ARNIE HIDALGO

KRIS AQUINO

KUYA GERMS

NIYA

P-NOY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with