Abuloy ni Kris hindi tinanggap ng isang pamilya

PIK: Na-enjoy nang husto nina Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal at Gladys Reyes ang Matalinong Panonood seminar na ginawa nila sa Ateneo de Manila Law School sa Makati nung nakaraang linggo.

“Napakamakabuluhan ng talakayan namin at game na ginawa namin sa aking mini-workshop.

“Parang impromptu na may ginawa kaming sariling show na ako ang kaeksena. Tapos ‘yung ibang students ang nag-rate para ma-experience nila kung paano kami mag-review at magka-classify,” masayang kuwento ni Gladys.

Balak ng MTRCB na ituluy-tuloy ang naturang seminar sa iba pang paaralan.

PAK: Ngayong linggo ay tapos na ang suspension kay Sen. Bong Revilla kaya kahit naka-detain pa rin siya sa Camp Crame, magpapasa pa rin daw siya ng mga bill na napaghandaan na niya.

Kahit si Sen. Jinggoy Estrada ay tapos na rin ang suspension ay nanghinayang siya dahil naka-detain pa siya. Gusto pa naman daw sana niyang sumali sa Senate inquiry ng 44 Fallen Heroes na pinaslang sa Mamasapano, Maguindanao. Pero kung mabibigyan daw siya ng pagkakataon, baka magpapadala raw siya ng mga tanong para sa imbestigasyon.

BOOM: Marami ang nakapansin sa The Buzz noong Linggo na malungkot daw si Kris Aquino sa studio.

Bigla na lang daw naiiyak at sobrang emotional nito.

Pati nga sa interview sa bagong engaged na sina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano ay naiiyak din siya.

Naobserbahan daw nila kay Kris, hindi siya naiyak sa tuwa kina Direk Paul at Toni, kundi sa pinagdadaanan nila ngayon.

Binanggit ni Kris sa kanyang Instagram account na hinarap daw siya ng pamilya ng mga nasawing police commandos ng SAF nung pumunta siya sa Camp Bagong Diwa.

Napag-alamang nagbigay si Kris ng abuloy sa bawat pamilya na galing talaga sa kanya, at hindi nga raw ito alam ni P-Noy.

Pero totoo kayang merong isang pamilya raw na hindi tinanggap ang bigay ni Kris?

Show comments