SEEN: Nakikipag-agawan ng espasyo si Kris Aquino sa kanyang kapatid na si P-Noy tungkol sa isyu ng Fallen 44. It’s all about them.
SCENE: Ang pagnanais ni jailed Senator Jinggoy Estrada na lumahok sa senate inquiry tungkol sa Mamasapano massacre.
SEEN: Nadagdagan ang social media followers ni Judy Ann Santos dahil sa concern na ipinakita niya sa Fallen 44. Maraming followers ang kapalit ng pag-unfollow ni Kris Aquino sa Instagram account ni Judy Ann.
SCENE: Huminto na si Leah Navarro sa pagtatanggol kay P-Noy mula nang durugin siya ng publiko sa social media. Puro retweet na lamang ang mga post ng has been singer.
SEEN: Kagabi ang pilot episode ng Extreme, ang Monday to Friday (10:15 p.m.) television show ni Derek Ramsay sa TV5.
SCENE: Kanselado ang PBA game sa South Cotabato sa February 7 dahil sa kaguluhan na posibleng idulot ng Mamasapano massacre.
SEEN: Ang pangako ni Toni Gonzaga na tatapusin muna niya ang pelikula na pagtatambalan nila ni Coco Martin bago siya magpakasal ngayong 2015 sa kanyang fiancé na si Paul Soriano.
SCENE: Sa February 10 ang red carpet premiere ng Liwanag Sa Dilim sa SM Megamall Cinema. Ang Liwanag Sa Dilim ang horror movie ng APT Entertainment Inc.