MANILA, Philippines – Nagpa-misa ang pamilya ni Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos para sa Fallen 44. Kabilang ang mag-asawa sa maraming artista na naging very vocal sa pagpuna sa hindi pagsalubong sa mga bangkay ng mga tinaguriang bagong bayani at mas piniling dumalo sa opening ng isang planta ng sasakyan hindi kalayuan sa Villamor Airbase ni Presidente Aquino.
Obviously, hindi raw ito ikinatuwa ng presidential sister na si Kris Aquino kaya hindi na sila ‘friends’ ni Juday sa Instagram.
Maging si Regine Velasquez ay nakikisimpatya rin sa Fallen 44. Pero ingat na ingat siyang magsalita nang makausap namin sa pocket presscon ng Ultimate concert nila nina Martin Nievera, Gary Valenciano and Lani Misalucha sa February 13 and 14 sa SM MOA Arena.
“I think ha, he should be more gracious,” sabi ni Regine. Last Friday, nang ma-interview namin na kainitan nang ‘pang-iisnab’ ng presidente sa arrival honors ng mga namatay sa sinasabing masaker sa Mamasapano, Maguindanao.
“Kapag dumarating tayo sa time na ganito na may sakuna, ‘yun lang ang napapansin ko.
“Ang hirap din. He’s trying to run a country. People should understand that and it’s hard to run a country,” dagdag ni Mrs. Ogie Alcasid na super careful sa kanyang sinasabi. Naiintindihan daw niya kung gaano kahirap magpatakbo ng bansa at “You cannot please everybody. And you should always be ready for criticism.
“Kami nga, artista lang, kung ma-criticize kami, kung ma-bash kami, para namang, ‘Nagbayad talaga kayo, ha?’
“Kumanta ka sa TV, ‘di ba libre ‘yun? Kung makapintas para panoorin ako sa TV, ha, ‘yung ganun ba?,” sabi niya, kaya talagang dapat ready sila sa criticisms.
“I’m sorry, siguro sa akin lang, sana dapat maging more gracious with everything that happened in the past and now.
“I think, mas maiintindihan siya ng mga tao if he was there,” pagtatapos ni Regine.
Luis may aalagaang lucky stars sa deal or no deal!
May malaking pagbabagong magaganap sa pagbabalik ng Kapamilya Deal or No Deal ngayong 2015 hosted by Luis Manzano.
Simula Lunes (Feb. 9), balik sa pakikipagtawaran at pakikipagkulitan si Luis sa studio contestant at kay Banker kasama na ang bagong grupo na maghahawak ng briefcases na naglalaman ng halagang maaring magbago ng kapalaran--- ang Lucky Stars.
Iba ang kinang ng jackpot na P1-M dahil 20 kilalang personalidad ang mismong rarampa sa ‘Deal’ stage. Mayroong teen heartthrob, beauty queen, character actor, comedian, sexy actress, at iba pa.
Ngunit hindi lang tagahawak ng briefcases ang papel na gagampanan nila dahil sila rin ang maglalaro para sa kapalaran nila. Gamit ang isang roleta, pipiliin kung sino sa 20 lucky stars ang maglalaro para sa araw na iyon. Maari nilang ilaban ang laman ng hawak nilang briefcase o maaari silang makipagpalit sa kapwa Lucky Star nila. Matapos nito, simula na ng tawaran at pagsagot sa mahiwagang tanong na ‘deal or no deal?’
Ito ang pinakaunang pagkakataon sa lahat ng Deal or No Deal franchise sa mundo kung saan ang briefcase girls ay papalitan ng iba’t ibang kilalang personalidad na magsisilbi rin bilang studio players.
Wala pang ibinigay si Luis kung ano’ng oras ito eere pero ang bali-balita ay ito ang papalit sa Bet on Your Baby ni Judy Ann Santos na napapanood tuwing hapon sa ABS-CBN.
Anyway, tumanggi si Luis na sagutin ang tungkol sa naunang statement ni Jennylyn Mercado na sa lahat ng naging ex niya, ang kay Luis na lang ang walang closure.
Ayon sa TV host/actor, hindi ang nasabing presscon ang tamang venue para pag-usapan ang tungkol sa nakaraan nila ni Jennylyn.
Anyway, paano nga kaya sila magpapakasal ni Angel Locsin, eh halos wala nang pahinga si Luis?
Bukod sa Deal or No Deal, meron pa siyang nagra-run na The Voice of the Philippines at isa pang weekend show na gagawin. Pagpasok din ng 2015, sunud-sunod ang bagong endorsement niya.
Last week lang ay nagkaroon ng press launching ang Puregold Priceclub Inc. para sa kanya bilang opisyal na endorser ng Puregold Perks Card.
Ang Puregold Perks Card ay isang espesyal na privilege card na maaaring i-avail ng bawat Puregold shopper upang makaipon ng points at makakuha ng mga rewards. Kasali na ngayon ang Puregold Perks Card sa rank ng Tindahan ni Aling Puring (TNAP) program na siyang nagbibigay ng panalo benefits sa lahat ng mga sari-sari store owners at food resellers sa nakalipas na 11 taon. Ngayon, sa pamamagitan ng Puregold Perks Card, maaari nang i-avail ng bawat regular at non-business owner shopper ang mga amazing perks ng Puregold.
“Si Luis ang perfect Filipino artist na kakatawan sa Puregold Perks Card,” sabi ng Puregold National Operations Manager na si Antonio Delos Santos. “Mula sa various segments ng mainstream Pinoy market ang mga taong humahanga, rumerespeto, at nagtitiwala kay Luis. Ang hard work ni Luis ay patuloy na nagbibigay sa kanya ng great points sa puso ng mga Pilipino at isa yung great reward for any artist to accomplish.”
Maaaring i-avail ng bawat shopper ang Puregold Perks Card. Pangako ng card na magpamudmod ng real benefits dahil maaaring mag-earn ang bawat shopper at ito ang siyang magbibigay sa kanila ng instant access sa mga special promos, exclusive discounts, at personalized offers gaya ng Puregold Pay Day Buy One Take One Specials.