Jake at Bea magkaiba ang alam na anniversary nila
Nahalata namin na may tampuhan sina Jake Vargas at Bea Binene dahil noong anibersaryo ng pagiging magnobyo nila ay ni hindi binigyan ng regalo ng binata ang dalaga. Ayon sa aktor, Enero ang kanilang anniversary na tinutulan ni Bea dahil ayon dito, February 15 ang anniversary nila.
Ano ba yan! sabi ng mga press people na nag-interview sa dalawa nang magkahiwalay. Kahit petsa ng anniversary ay hindi nila alam.
Naniniwala naman si Jake na magkakasundo rin sila ni Bea dahil lagi naman daw away-bati ang kanilang drama sa buhay.
Pero bilib si Direk Richard Somes na director ng dalawa sa Liwanag sa Dilim dahil kahit may tampuhan ay hindi nila nadadala sa set.
Sa kabilang banda, gusto ni Bea na makapagtapos ng pag-aaral at kumuha ng Mass Communication sa college. Gusto niyang maging isang newscaster at paborito niya sina Mel Tiangco at Vicky Morales.
Si Jake naman ay gustong ipagpatuloy ang pag-aaral sa high school at kumuha ng Culinary Arts pagkatapos.
PTV4 magpapalabas na rin ng mga Koreanovela
Ipinakita ang trailer ng Koreanovela na Here Comes Mr. Oh! Ayon sa producer, ang drama ay na-extend ng siyam na episodes sa South Korea kung saan mataas ang rating nito.
Ayon kay Mr. Robert Tan, first time na ipalalabas ang Here Comes Mr. Oh! sa Pilipinas kung saan hindi lang kultura ng Korea ang mapapanood kundi pati na rin kanilang family values. Marami pang mga planong proyekto ang PKEI PTV Korean Entertainment Incorporated sa pakikipagtulungan sa PTV4 gaya ng pagpapalabas ng singing contest kung saan pagsasamahin ang sikat na female Korean concert artist at male Pinoy artist.
Ang Here Comes Mr. Oh! ay mapapanood araw-araw sa PTV4 chaired by Mr. James Chan from 5:30 p.m. to 6 p.m.
- Latest