Seen : Pinagkaisahan si P-Noy ng mga news program ng lahat ng mga TV network dahil pare-pareho ang kanilang balita na masayang-masaya ang pangulo nang dumalo ito sa inauguration ng isang car plant na binigyan niya ng importansya kesa sa pagdating noong Huwebes sa Villamor Airbase ng PNP-SAF troopers na pinatay sa Mamapasano, Maguindanao.
Scene : “Pakitang-tao” at “damage control” ang opinyon ng publiko sa pakikiramay ni Kris Aquino sa mga naulila ng Mamapasano massacre victims.
Seen : Iba ang kaso ng pagpatay kay former Senator Benigno Aquino at sa pagpaslang sa Fallen 44 ng PNP-SAF. Hindi na dapat sinasabi nina P-Noy at Kris Aquino na nawalan din sila ng mahal sa buhay sa marahas na paraan.
Scene : “Bugbog-sarado” si Kris Aquino sa sariling Instagram account dahil sa mga below-the-belt na atake sa kanya ng mga tao. Nadamay si Kris sa galit ng publiko kay P-Noy.
Seen : Nakiramay kahapon si Diether Ocampo sa mga naulila ng Fallen 44.
Scene : Biktima ng bashing ang has-been singer na si Leah Navarro dahil sa pagtatanggol niya kay P-Noy. Ito ang bihirang pagkakataon na napag-uusapan si Leah na isa sa mga simbolo ng “Epal.”
Seen : Pumalag si Grace Lee sa tweet ni Leah Navarro na “So how many of those people who dissed the President’s absence from Villamor were actually there to condole?” Sumagot ang ex-girlfriend ni P-Noy ng “There is only one head of the state. Only one commander in chief! You CANNOT compare the value of his presence to the presence of any ordinary citizen then use it against them when they voice out their frustration and anger!!”
Scene : Ang pakikidalamhati ni Mayor Joseph Estrada at ng City of Manila sa Fallen 44. Limang milyong piso ang ibinigay na tulong ng mga Manileño sa mga biktima ng Mamasapano massacre.