Masaya sa kalagayan niya ngayon si Sarah Lahbati. Bukod kasi sa marami siyang trabaho at obvious na maganda ang itinatakbo ng kanyang career, okay rin ang takbo ng relasyon nila ni Richard Gutierrez. Hands on ang aktor sa pagpapalaki sa anak nilang si Zion.
“Ito lamang naman ang wish ko, ang magkaayus-ayos kaming lahat. Partners kami ni Chard. Smooth naman ang relationship namin so dapat lang maging maganda ang ending naming lahat,” anang napakagandang mother na may mysterious role sa Liwanang sa Dilim na bagaman at ang itinatampok sa istorya ay ang loveteam nina Jake Vargas at Bea Binene ay puwede ring sabihin na sinusuportahan niya ang dalawa dahil nakatuon din sa kanya ang istorya.
Wala bang ipinagbabawal sa kanya si Richard tungkol sa mga roles na tinatanggap niya?
“Richard and I respect each other pagdating sa trabaho. We’re mature enough para pagkatiwalaan ang isa’t isa, alam namin ang trabaho namin. Ako naman, sinisiguro ko na karespe-respeto whatever work I’m doing,” pagmamalaki pa ng aktres na meron nang isang anak pero nangangarap pa rin na madagdagan ito ng mga dalawa pa.
Ang Liwanag sa Dilim na nasa direksyon ni Richard Somes ay isang teen adventure movie na ginawa ng APT Entertainment na gumawa rin ng Ded na si Lolo at The Janitor.
Biggest break ito nina Jake at Bea. Hindi ito ang usual na napapanood sa kanila.
Xian Lim pinagtakpan ni Direk Richard?
Katulad ng kababayan niyang si Erik Matti at itinuturing niyang mentor, mga kuwentu-kuwento rin sa lugar nila sa Bacolod ang ginagamit ni Richard Somes na materyal sa kanyang mga pelikula. Maging anumang genre ito, love story, action, o comedy, ang mga istorya niya ay katatakutan at katatagpuan ng mga kababalaghan na siyang paboritong kuwento sa kanyang probinsiya.
Mabilis ang asenso ng Bisayang direktor dahil bukod sa talagang nakakatakot ang mga kuwento niya ay napapaganda pa niya ang mga ito. Nagpapasalamat din siya na magagaling na artista ang naibibigay sa kanya.
Napunta na rin siya sa TV. Siya ang direktor ng Bridges na bagaman at isang love story at nagtatampok sa tandem nina Jericho Rosales at Maja Salvador kasama si Paulo Avelino, inilagay niya ito sa isang background ng katatakutan ng ibang manonood.
Wish ni Somes na mas magustuhan pa ng mga televiewers ang kanyang mga proyekto tulad ng pagkakagusto sa mga ito ng mga manonood niya sa pelikula.
Sinabi ni Direk Richard na maganda ang pagkakakuha kay Paulo bilang kapalit ni John Lloyd Cruz. Bagaman at nanghihinayang siya na hindi sumakto ang schedule nito sa kanyang serye, masaya na rin siya sa naging kapalit nito. Napakagaling daw na aktor ni Paulo, pero klinaro niya na hindi totoo ang tsika na dahilan ng hindi pagkakatuloy ni Xian Lim sa serye. Na-realize lang daw ng network na may serye ito kasama si Kim Chiu kaya sila na ang nag-alis dito sa Bridges.