‘Di na nahiya sa Santo Papa Sec. De Lima nakabarong pa ang tagabitbit ng bag!

SEEN: Ang tanong ni Ted Failon sa kanyang teleradyo program kung iniyakan ba rin ni President Noynoy Aquino at suspended PNP chief Allan Purisima ang mga pulis na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao.

SCENE: Hiyang-hiya kay Justice Secretary Leila de Lima ang mga Pilipino na nakapansin sa lalake na nakasuot ng polo barong na taga-bitbit ng kanyang bag nang sumalubong siya kahapon sa pagdating sa Villamor Airbase ng mga biktima sa Mamasapano massacre. Maging sa pamamalengke ay may tagabitbit ng bag si Sec. De Lima.

SEEN: Mahihiya kay Secretary Leila de Lima si Pope Francis na walang taga-bitbit ng bag nang bumisita sa Pilipinas noong January 15 hanggang January 19. 

SCENE: Sumapaw ang boses ni Ces Oreña-Drilon sa live cove­rage  ng GMA News TV sa arrival honors na ipinagkaloob kahapon sa mga nasawi sa Mamasapano massacre.

SEEN: Live na napanood kahapon sa telebisyon ang puwersahan at pakaladkad na pagdadala kay Makati City Mayor Junjun Binay sa session hall ng Senado. Umalma ang mga supporter ni Binay sa paggamit sa kanya ng physical force. 

SEEN: Dumating kahapon nang madaling-araw mula sa Los Angeles, California si Mary Jean Lastimosa, ang talunan na Philippine candidate sa Miss Universe 2014. Humarap kahapon si MJ sa isang presscon na ipinatawag ng Bb. Pilipinas Charities Inc.

SCENE: Ang pagdalaw ni Floyd Mayweather, Jr. kay Congressman Manny Pacquiao sa hotel na tinutuluyan nito sa Miami, Florida matapos ang makasaysayan na  pagkikita nila sa NBA game noong Martes.

Show comments