^

PSN Showbiz

Mark bibida sa Bituing Walang Ningning, gaganap na Dorina naghahanap pa

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

May trabaho na agad si Mark Bautista pagdating ng bansa galing London kung saan nagbida siya sa musical play na Here Lies Love.

Siya ang gaganap na Nico Escobar sa theater adaptation ng classic movie drama - Bituing Walang Ningning - na mapapanood sa Resorts World Manila (RWM).

Nagkaroon na ng contract signing ang Full House Theater Company in cooperation with Viva Communications Inc. para sa Bituing Walang Ningning : The Musical. Si Cris Villongco naman ang gaganap na Lavinia. Pero naghahanap sila ng magpo-portray sa lead role na si Dorina Pineda na pinasikat ni Megastar Sharon Cuneta sa pelikula  noong 1985 at ni Sarah Geronimo sa TV version nito noong 2006.

Kaya naman magsasagawa ng audition ang Full House Theater Company and Viva para maging bida sa Bituing Walang Ningnig : The Musical. Ang criteria : between 16 to 20 years old, exceptional talent for singing and acting and can speak Filipino fluently; at may pleasing personality and good moral character. Gaganapin ang auditions sa The Plaza ng Newport Mall sa February 28 to March 1, 2015 and open to both amateur and professional artists.

MJ inaming naging sunud-sunuran kay Mrs. Araneta

Ang daming mga pangyayari sa ating bayan kahapon.

Umaga pa lang ay umeere na ng live sa mga local news channel ang arrival honors para sa mga napatay sa Maguindanao na mga member ng PNP-Special Action Force (SAF). Maraming naiyak dahil daig pa ang eksena sa pelikula ang nangyayaring pagbababa ng mga bangkay mula sa C-130 sa Villamor Airbase na nakalagay sa metal casket na may number 1 hanggang 42.

May nangyaring pagkaladkad kay Makati Mayor Junjun Binay nang pilitin siyang dalhin sa Session Hall ng Senado. Naririnig ko sa radio na kinaladkad daw ang alkalde. Pero hindi pa rin ito napagsalita tungkol sa imbestigasyon at hindi na rin ikinulong. Pinagtanggol din  siya nina dating Senador Rene Saguisag at Joker Arroyo na nagsabing labag sa batas ang ginawa sa kanyang pag-aresto.

Maging si Mrs. Elenita Binay ay binasahan naman ng sakdal sa kasong graft sa Sandigan.

Kaya naman ang pagdating sa bansa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao at ng a­ting naging representative sa Miss Universe na ginanap sa Flo­rida na si MJ Lastimosa ay hindi masyadong na­g-trending. Though marami pa rin ang nag-abang sa mga sinabi nila, pero mas tinutukan talaga ng marami ang pagdating ng mga pulis na napatay sa sinasabing masaker sa Maguindanao at ang hindi pagsipot ni Pres. P-Noy sa Villamor Airbase na inuna ang pagdalo sa inagurasyon ng planta ng sasakyang Mitsubishi.

Pero sinabi ni MJ na sana ay mag-move on na lang lahat at ‘wag nang makinig sa kung anu-anong kuwento.

Sinabi rin niyang hindi naman kasama sa judging ang national costume. So hindi raw apektado ang score niya nito. Dagdag din niyang may boss siya na kailangang sundin (referring to Ms. Stella Marquez Araneta) at negosyo raw ito. “And I’m just here to follow what is given to me,” makahulugang pahayag ni MJ na pinag-initan ng husto ang ipinasuot sa kanyang white gown na gawa ng isang Colombian designer.

Grand homecoming ng Our Lady of Loreto College

May paki ang GMA-7 executive na Ms. Avin Arayata:

Tinatawagan ang lahat ng Alumni ng Our Lady of Loreto College. Magkakaroon sila ng Grand Homecoming sa January 31, bukas na ‘yan, Sabado,  sa C.M. Recto Highschool (formerly OLLC) Legarda, Sampaloc Manila. Magsisimula ang resgistration ng 1:30 p.m. Tropical paradise ang theme.

vuukle comment

AVIN ARAYATA

BITUING WALANG NINGNING

LEFT

OUR LADY OF LORETO COLLEGE

PERO

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with