Walang exclusive contract si Jasmine Curtis sa kahit anong movie outfit kaya puwede siyang gumawa sa iba’t ibang film companies. Kasama si Jasmine sa movie nina Gerald Anderson at Julia Montes under Star Cinema.
Nakagawa na rin siya ng ilang indie films tulad ng Transit, kung saan napansin ang kanyang husay sa pag-arte at Dimentia na pinagbidahan ni Nora Aunor. Kasama rin siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF) movie ni Robin Padilla na Bonifacio, Ang Unang Pangulo with Daniel Padilla.
Jasmine has yet to do her launching mainstream movie pero naniniwala siya na darating din ito balang araw.
In a relationship si Jasmine sa young singer-actor-dancer na ri Sam Concepcion.
Pangarap din ni Jasmine na makatrabaho ang kanyang Ate Anne kung may pagkakataon.
Kung papayag si Marjorie Julia puwedeng isingit sa balak na pelikula nina Claudine at Juday
Kapag natuloy ang binabalak na proyekto ng Star Cinema na pagsasamahin umano sa isang pelikula sina Judy Ann Santos at Claudine Barretto na nakatakdang idirek ng premyadong director na si Chito Roño, tiyak na makakatulong ito sa pagiging aktibong muli sa showbiz ng ex-wife ni Raymart Santiago at nakababatang kapatid nina Gretchen at Marjorie Barretto na si Claudine.
Ayon sa balita, balak umano ng Star Cinema na gawing pelikula ang best-selling book ng media icon na si Julie Yap-Daza na Etiquette for Mistresses.
Tulad ni Claudine, matagal-tagal na ring hindi gumagawa ng pelikula ang misis ni Ryan Agoncillo kaya excited ang kanyang fans sa proyektong ito kung matutuloy. May ilang taon na ring inactive si Claudine sa paggawa ng pelikula at maging sa TV series.
Hindi rin kami magtataka kung pagsamahin sa isang proyekto ang magtiyahing Claudine at Julia Barretto. Ang problema lamang sa ngayon ay ang gap na namamagitan sa magkapatid na Marjorie at Claudine at maging sina Claudine at Gretchen Barretto ay may problema pa rin hanggang ngayon. But Julia looks up sa kanyang Tita Claudine as one of her idols sa larangan ng pag-arte.