Hindi sinasadya na nagkita sina Congressman Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, Jr. sa isang basketball game sa Miami, Florida noong Martes ng gabi (Wednesday morning sa Pilipinas).
Si Miss Mayweather ang unang lumapit at humingi ng cell phone number ni Papa Manny.
Parang maamong tupa si Miss Mayweather at dalawang bagay ang napansin ko. Una, mas guwapo at mas malakas ang karisma ni Papa Manny kesa kay Miss Mayweather at pangalawa, hindi nagkakalayo ang mga height nila.
Hindi naman pala katangkaran na tao si Miss Mayweather at base sa video na napanood ko, may kakayahan si Papa Manny na talunin sa boxing si Miss Mayweather, tulad ng ginawa niya noon kay Oscar dela Hoya na mas matangkad sa kanya.
Dapat na talagang matuloy ang boxing fight nina Papa Manny at Miss Mayweather, Jr. Walang duda na matatalo ni Papa Manny ang madaldal at mahilig magtaray na American boxer.
Problema nina Bea at Jake nasapawan ang liwanag sa dilim
Ang loveteam nina Bea Binene at Jake Vargas ang mga bida sa Liwanag sa Dilim, ang horror movie ng APT Entertainment Inc.
Nagisa sina Bea at Jake sa presscon kahapon ng Liwanag Sa Dilim dahil sa isyu na hiwalay na sila.
Itinanggi ng dalawa na break na sila dahil okey na okey raw ang kanilang relasyon pero sa bandang huli, nagpahiwatig si Bea na may problema sila ng kanyang dyowa.
Hindi nagpaawat sa pagtatanong ang mga reporter dahil feel na feel nila na may misunderstanding sina Bea at Jake.
Halatang-halata raw sa body language ng magdyowa na may pinagdaraanan ang kanilang love affair.
Nakasentro tuloy ang publicity ng Liwanag Sa Dilim sa tsismis na hiwalay na sina Bea at Jake.
Ang tanong, makakatulong ba sa pelikula ang isyu na may problema sa relasyon ng mga bida ng Liwanag Sa Dilim?
Sarah bakas sa mukha na maligaya sa buhay
Starring din sa Liwanag Sa Dilim si Sarah Lahbati na magandang-maganda nang umapir kahapon sa presscon.
Bakas sa mukha ni Sarah na maligaya siya sa piling ng kanyang boyfriend na si Richard Gutierrez.
Naka-relate ako sa kuwento ni Sarah na 8:00 pm pa lang, natutulog na sila ng kanyang anak na si Zion at 7:00 a.m. kung magising siya.
Pareho kami ni Sarah na maaga kung matulog kaya hindi nakapagtataka na fresh na fresh ang kanyang itsura. Hindi siya katulad ng ibang mga artista na ngarag ang face dahil kulang sa tulog at pahinga.
Direk Richard hindi maka-react sa Bonifacio
May special participation sa Liwanag sa Dilim sina Dante Rivero at Sunshine Cruz.
Si Richard Somes ang direktor ng coming soon horror movie ng APT Entertainment Inc.
Pamilyar ang name ni Richard dahil siya ang direktor ng Bonifacio movie ni Congressman Alfred Vargas.
Na-appreciate ni Richard ang mga komento ng mga entertainment writer na mas maganda ang pelikula niya kumpara sa Bonifacio movie na pinagbidahan ni Robin Padilla.
Walang reaksyon si Richard dahil hindi pa niya napapanood ang pelikula ni Robin pero magkaibigan daw sila ni Enzo Williams, ang direktor ng Bonifacio na official entry sa Metro Manila Film Festival 2014.