Kamakailan ay naging trending sa social media ang eksenang sampalan nina Liza Soberano at Sofia Andres sa teleseryeng Forevermore.
Bilang baguhang artista ay hindi naman daw nahirapan si Sofia na gawin ang nasabing eksena. “It was kind of easy kasi nag-usap na kami ni Liza before namin gawin ‘yung scene and tinulungan kami ni Direk Cathy (Garcia-Molina). Thank you din sa fans, do’n sa mga nag-comment about me. Kasi without them hindi ko naman talaga malalaman kung ano ba ‘yung performance ko. Siyempre kailangan ko rin ‘yung mga comment nila and then sa bashers, ‘di maiiwasan. Then nag-advise rin si Liza sa akin na ganyan talaga, kasama talaga. Okay lang naman ako,” nakangiting pahayag ni Sofia.
Napakaganda raw ng samahan nilang lahat sa serye sa likod ng kamera lalo na sa mga bidang sina Liza at Enrique Gil. “Off camera we were bonding at saka hindi kami awkward kasi noong una medyo eh. Kuya Enrique pa nga ang tawag ko sa kanya, sabi niya, ‘Sofia bakit mo ako kinukuya?’ Siguro nakatulong ‘yung bonding namin at saka hindi naman kami nagkakaaway or something,” kuwento ni Sofia.
Kahit may pagkakontrabida ang role ng aktres ay wala naman daw itong problema sa kanya. “Oo naman kahit ano. Noong una nga tomboy, ngayon naman crazy and kontrabida. Challenging, gusto ko ‘yon,” giit ni Sofia.
Xian naki-level kay Nicole Kidman
Sobrang saya ni Xian Lim dahil naging bahagi siya ng pelikulang Paddington. Si Xian ang napili upang mag-dub ng kanyang boses para sa sikat na British Bear. “I’m very proud kasi it’s something different. When they presented the project to me, they asked me if I would rather have a British accent or just straight up American accent. For this project I think it was easier kasi walang adlib ‘yung bear eh. Rather than ‘yung sarili kong boses ‘yung dina-dub ko. Mas masaya pa nga siya kasi you can explore and do so many things with the bear,” kuwento ni Xian.
Hindi raw inakala ng aktor na matatapos niya ang dubbing sessions sa loob lamang ng tatlong araw. “To be honest I requested for one week or two. Kasi usually kapag full length movie gano’n but this one, it went by pretty fast. We watched it paulit-ulit and each scene pulido siya and okay. We had a coach and he was very good but we still ended up with a normal comfortable English speaking voice ko with a touch of Bristish accent. It’s a bit difficult kasi it had to sound natural. We did it over and over para perfect talaga ‘yung voice ni Paddington,” pagdedetalye ni Xian.
Kasama rin ang pangalan ng binata sa movie poster kung saan nakalagay rin ang mga pangalan ng Hollywood actors na sina Nicole Kidman at Hugh Bonneville. “Siyempre nakakatuwa, nakaka-proud naman na makita ‘yung pangalan ko do’n sa poster na ‘yan and it’s such an honor. Sobra ‘yung feeling when you’re dubbing you can see all the other characters. Kasi kailangan nag-uusap kayo at the same time even if I wasn’t there shooting the film. It’s still a different experience. It’s my first time having to react to international actors din and iba ‘yung pakiramdam,” pagbabahagi ng aktor.
Mapapanood na sa mga sinehan ang Paddington simula sa February 11.
Reports from JAMES C. CANTOS