MJ Lastimosa bigo sa top 5 ng Miss U

MANILA, Philippines – Hindi nakapasok sa top 5 ng Miss Universe ang pambato ng Pilipinas na si Mary Jean Lastimosa.

Hanggang top 10 lamang ang inabot ng tubong North Cotabato na inaasahan na makakapag-uwi sana ng korona.

Naiuwi ni Miss Colombia ang korona, habang first runner-up naman si Miss USA at sumunod sina Ukraine, Netherlands at Jamaica.

Ito ang unang pagkakataon na hindi nakapasok ang Pilipinas sa top 5 mula noong 2010.

Si Miss Universe Maria Margarita “Margie” Morgan ang huling nakapag-uwi ng korona para sa Pilipinas.
 

Show comments