Ang guesting sa Startalk noong Sabado ang unang television appearance ni Mark Bautista na mahigit na apat na buwan na nawala sa bansa dahil sa musicale play na Here Lies Love na itinanghal sa National Theater sa London mula noong September 2014 hanggang January 8, 2015.
Hindi muna bumalik sa Pilipinas si Mark dahil nagpahinga siya at inikot ang London nang magbabu ang Here Lies Love sa National Theater.
Hindi idinenay ni Mark na nangayayat ito sa apat na buwan na pananatili niya sa London dahil puro trabaho ang inatupag niya.
Isa lang ang problema ni Mark mula nang magbalik-bayan siya, ang pesteng jetlag kaya hindi pa normal ang pagtulog niya. Para sa ibang mga tao, mas matindi ang epekto ng jetlag ng Europe kesa jetlag ng Amerika.
Umapir na kahapon si Mark sa Sunday All Stars ng GMA-7.
Ganadung-ganado si Mark nang kantahin nito ang isang fast song dahil na-miss niya nang husto ang Sunday program ng Kapuso Network at ang audience nito.
Sa apat na buwan na pamamalagi niya sa London, na-master na ni Mark ang British accent.
Dra. Belo punum-puno ng pagmamahal sa kanyang birthday
Kahapon ang birthday ni Dra. Vicki Belo pero pinili niya na i-celebrate sa Bangkok ang kanyang kaarawan, kasama ang anak na si Cristalle.
Umalis si Mama Vicki sa Pilipinas noong Biyernes at siguradong naririto na siya sa January 28 dahil sa isang malaking event na dadaluhan niya.
Good health and more blessings ang mga birthday wish ko para kay Mama Vicki na isa sa mga generous at matulungin na tao na nakilala ko.
Hindi ko na hihilingin na magkaroon ng lovelife si Mama Vicki dahil punumpuno siya ng pagmamahal sa katawan. Saka, wala nang plano si Mama Vicki na magpakasal dahil kung anuman ang meron siya ngayon, happy and contented na ang favorite beauty doctor ng lahat.
Chiz-Heart wedding puro bilyonaryo ang mga ninong
Wala nang urungan ang pagpapakasal nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Personal na natanggap noong Sabado ng Startalk staff ang wedding invitation mula kay Heart.
Magaganap sa February 15 sa Balesin Resort ang kasal nina Heart at Papa Chiz kaya invited sa Manila wedding reception ang staff ng Startalk.
Private wedding ang mangyayari sa Balesin kaya limitado ang mga invited guest.
Mga who’s who sa business sector ang mga principal sponsor sa Escudero-Evangelista Nuptials. Mga ninong sa kasal ang mga businessman na sina Ramon Ang, Fernando Zobel de Ayala, Lance Gokongwei, Felipe, at Hans Sy. Kasama rin sa listahan ng mga ninong ang mga TV network bosses na sina Papa Jimmy Duavit, Atty. Felipe L. Gozon, at Papa Gabby Lopez.
May note nga pala sa wedding invitation nina Heart at Papa Chiz, ang “Please tag our wedding photos when you post, tweet or Instagram #chizheart21515.”
Dayanara sa ‘Pinas lang sumikat
Ngayon ko lang nalaman na hindi pala popular Miss Universe winner si Dayanara Torres.
Sikat lang si Dayanara sa puso ng mga Pinoy dahil nanirahan siya sa Pilipinas at nagkaroon ng showbiz career sa bansa natin.
Kung hindi pa siguro ginanap sa Pilipinas ang Miss Universe noong 1994, hindi makikilala at magiging popular si Dayanara sa mga Pilipino.