Makarating sana kay Pope Francis: Mga itinagong street children at homeless ng DSWD, ‘di pinagamit ng aircon, pangakong datung ‘di rin tinupad

Makarating sana kay Pope Francis ang naging kapalaran ng streetchildren at ng kanilang pamilya na pinagbakasyon ng DSWD sa isang resort sa Batangas para hindi sila makita ng Santo Papa.

Kung hindi sa exclusive report ng TV Patrol, hindi natin malalaman na totoo pala na itinago mula kay Pope Francis ang mga streetchildren at homeless na inalisan ng karapatan na makita siya nang personal.

Nagpaliwanag na si DSWD Secretary Dinky Soliman tungkol sa isyu pero hilaw ang kanyang explanation dahil mas nakakahigit ang bilang ng mga naniniwala na sinadya na huwag ipakita kay Pope Francis ang mga homeless.

Nagsasalita na ang mga homeless as in nagpapainterbyu na sila sa media.

Kinumpirma nila na dinala sila ng DSWD sa resort sa Batangas para hindi ma-sight ni Pope Francis.

Complaining ang mga homeless na hindi  ipina­gamit sa kanila ang mga aircon at hindi natupad ang pangako na bibigyan sila ng datung.

Mapipilitan si Mama Dinky na mag-explain uli dahil nakakasira sa imahe ng DSWD ang reklamo ng m ga homeless na hindi na-appreciate ang forced vacation  sa Batangas resort at nag-dialogue na mas gusto pa nila na manirahan sa kalye.

Si Vice-President Jojo Binay ang special guest kahapon sa grand launch ng Kilos Kaayusan, ang bagong advocacy ni AiAi Delas Alas at ng iba’t ibang mga cause oriented group na may malaking malasakit sa ating bayan

Kung napaaga siguro ang launch ng Kilos Kaayusan bago bumisita si Pope Francis sa Pilipinas, baka hindi naitago sa Batangas resort ang mga homeless dahil tiyak na tutulungan sila ng grupo nina AiAi.

Sa totoo lang, lalong naging kawawa ang kalagayan ng mga homeless dahil para silang mga bata na pinatikim ng candy pero binawi rin ito. Ganyan ang nangyari sa mga homeless na nakaranas na magbakasyon sa isang magandang resort pero ibinalik uli sa kalye dahil wala na ang bisita na makakakita sa kanila.

Knowing Pope Francis, mas gusto niya na makahalubilo ang mga mahihirap at ang mga batang lansangan dahil ang mga ito ang malalapit sa kanyang puso.

Hindi niya type ang mga elitista na kuntodo postura nang humarap sa kanya.Para sa mga mahihirap ang puso ni Pope Francis kaya hindi niya makalimutan ang kanyang pagdalaw sa Tacloban City.

Mga aso ko hindi nag-eskandalo, maka-Binay

Maraming salamat kay Vice President Jojo Binay dahil natanggap ko na noong Biyernes ang Christmas gift mula sa kanyang pamilya.

Tinupad ng staff ni Papa Jojo ang pangako na ipadadala sa bahay ko ang Christmas gift.

Naloka ako dahil hindi kumahol o nag-eskandalo ang pet dogs ko nang dumating sa bahay ang representative ni Papa Jojo.

Nagduda tuloy ako na maka-Binay ang mga aso ko dahil sa kanilang mga inasal.

Kung puwede nga lang na bumoto ang mga aso ko, sure ako na si Papa Jojo ang iboboto nila.

Palaisipan talaga sa akin ang behavior na ipinakita ng mga aso dahil hindi sila affected ng mga paninira kay Papa Jojo ng detractors nito

Natulog ako nang may ngiti sa labi dahil na-touch talaga ako sa kind gesture ni Papa Jojo at ng kanyang pamilya.

Show comments